Len Escollante at PH hosting sa Dragon Boat World tilt sa TOPS ‘Usapang Sports’

TAMPOK na panauhin ang dragon boat at sepak takraw sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports ‘ ngayong Huwebes, Mayo 2 sa PSC Conference room sa loob ng Rizal Memorial Sports complex sa Malate, Manila.

SPORTS

Enjel Manato

5/1/20241 min read

TAMPOK na panauhin ang dragon boat at sepak takraw sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports ‘ ngayong Huwebes, Mayo 2 sa PSC Conference room sa loob ng Rizal Memorial Sports complex sa Malate, Manila.

Sentro ng talakayan ganap na 10:30 ng umaga nakalinyang programa ng Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) tampok ang hosting ng bansa sa pinakamalaking torneo sa sports – ang International Canoe Federation Dragon Boat World Championships sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.

Pangungunahan ni PCKDF president Leonora ‘Len’ Escollante ang pagbibigay ng mga detaly hingil sa naturang torneo, gayundin ang iba pang importanteng agenda sa grassroots development program ng asosasyon.

Makakasama niya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat, ang mga coach at piling atletang ng Sepak Takraw Federation sa pangunguna ni Sea Games gold medalist Jason Huerte.

Inaanyayahan ni TOPS President Maribeth Repizo ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang sports facebook page, gayundin sa Bulgar Sports FB page at sa channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile appsn network na libreng mada-download sa Android phone.

PCKDF president Leonora ‘Len’ Escollante