LIBRENG TRADITIONAL SPORT SIKARAN SESSIONS KASADO NA SA TANAY NG RAVEN
SIYAM na barangay sa Tanay ang makikinabang sa programa ni Master Crisanto Cuevas ng GSF Raven Sikaran Tanay sa lalawigan ng Rizal.
SPORTS
Danny Simon
12/26/20231 min read
SIYAM na barangay sa Tanay ang makikinabang sa programa ni Master Crisanto Cuevas ng GSF Raven Sikaran Tanay sa lalawigan ng Rizal.
"Yung project ko sa January 13,2024 ay sa pakikipag tulungan ni Dallen Juco, SK President ng Tanay at katatapos lang ng mga instructor ko ang free sikaran basic training course sa Greenfield Montessori School. Bale naka pag -kaloob na ako ng Free Sikaran Training sa 5 schools sa Tanay. Layunin ko dyan ay mamulat ang mga kabataan at malaman kung ano ang Traditional Sports Sikaran sa Bayan ng Tanay at sumusuporta naman sa akin si Mayor Lito Tanjuatco ng Tanay at inapruban mismo ni GM Hari Osias Banaag , pangulo ng GSF,ang mga project ko sa bayan ng Tanay", wika ni Master Cuevas.
Ang FREE SIKARAN BASIC TRAINING COURSE(8 Sessions) ay bukas para sa mga kabataang nasa edad 7 hanggang 15 años at maaaring makipag- ugnayan sa kani-kanilang SK Chairman.
Sinabi pa ni Cuevas na maaksyon ang tradisyunal na sport na sikaran sa paglawig nito partikular sa 2024 di lang sa lalawigan ng Rizal kundi sa nationwide na aspeto sa basbas ni GM Banaag na pinapurihan din ng International Council for Traditional Sports and Games. Kamakailan ay bumisita sa bansa sina Japan ICTSC executives Baba Yuko at Tetsuya Tsuda at personal na sinaksihan ang development ng traditional sport na Sikaran sa bansa.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City