IN GOD WE TRUST
Liga Baseball Philippines.. KBA, NU BULLDOGS BUMABANDERA
PATULOY ang pamamayagpag ng KBA Stars sa ituktok ng liderato habang nananatiling dikit ang UAAP 3-peat champion NU Bulldogs sa tayo ng mga koponang kalahok sa Liga Baseball Philippines 2nd Season Celebrity Cup Championship.
SPORTS
Ni Danny Simon
7/1/20261 min read


PATULOY ang pamamayagpag ng KBA Stars sa ituktok ng liderato habang nananatiling dikit ang UAAP 3-peat champion NU Bulldogs sa tayo ng mga koponang kalahok sa Liga Baseball Philippines 2nd Season Celebrity Cup Championship.
Ang KBA (Katayama Baseball Academy) Stars na pag-aari ni Japanese national ,Philippine - based Keiji Katayama ay patuloy na malinis ang kartada sa kanilang 3-0 panalo -talo na baraha.
Tinalo ng tropang Keiji ang UST Golden Batters nitong weekend sa Canlubang para sa imakuladang rekord, nauna dito ay ginapi nila ang Muralla Dawgs sa opener ng liga na nasundan ng dominasyon nila kontra Ateneo de Manila.
Segundang dikit ang UAAP grandslammer na NU Bulldogs ni Wopsy Zamora sa kanilang kartadang 3-1 panalo-talo.
Tangan ang tersera na Philippine Airforce, 2-1 habang humahabol ang DLSU Unicorns ni Pepe Munoz sa barahang dos-dos.
Sadsad naman ang Dawgs kasosyo ang UST Tigers sa 1-2 kasunod ang Wolves na may delikadong 1-3 tayo.
Handa namang rumesbak ang Dumaguete RTU ( 0-2)ni Mayor Ping Remollo upang makapasok sa win column sa susunod nilang asignatura.
Frontrunning KBA Stars
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
