IN GOD WE TRUST
LITO LAPID AT ANG SALN
BIHIRA magtanong si Sen. Lito Lapid sa mga testigo sa impeachment trial. Madalang pero dapat din bigyan pansin.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
9/16/20261 min read


BIHIRA magtanong si Sen. Lito Lapid sa mga testigo sa impeachment trial. Madalang pero dapat din bigyan pansin.
Tinanong ni Lapid kay Karen Batu, OIC ng Ombudsman Central Records Division kung ano ang mga legal implications kapag may misdeclaration ng assets at liabilities para maunawaan ng ordinaryong Pilipino. Sagot ng testigo violation ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees yan.
Pero makatotohanang sinabi ni Lapid na " walang politiko ang nagsubmit ng tamang SALN".
KALOKOHAN yan ani Lapid. Nagtawanan ang karamihang politiko. Walang pumalag sa sinabi ni Lapid . Dahil totoo?
Yun mga SALN ba ng mga senator judges at congressman prosecutors ay honest?
At kung sakaling may mali sa SALN ano puwede gawin . Sabi ng testigo " the public official can correct errors in their previous SALN based sa guidelines."
Pero ang opisina ba ni Batu ay nagbe-verify na tama ang SALN na pinapasa sa kanila?
Sabi niya her office is limited to receiving the documents dahil REPOSITORY lang ng mga submitted SALN ang trabaho ng opisina nila. IBIG SABIHIN AY HINDI NIYA ALAM KUNG TAMA BA O MALI ANG NASA SALN NG MGA NAKA SUBMIT SA KANILA.
Pero para kay Senator Lito Lapid " kalokohan na ang ipapasang SALN ng politiko ay tama."
Si BBM kaya ay agree sa sinabi ni Lapid?
Mukhang sa article of impeachment na ito, alam na natin ang maaring boto ni Senator Judge Lapid.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
