LONGEST BOODLE FIGHT SA MANDALUYONG MUKBANGAN NA!

ISANG mainit na imbitasyon mula sa pamunuan ng Barangay Malamig ang inanunsyo para sa madlang Mandaleño maging sa mga dayo upang saksihan at maging bahagi ng kasaysayan sa pagdiriwang ng kapistahan ng San Antonio De Padua ngayon (Hunyo 13, 2025) sa naturang progresibong barangay ng Lungsod Mandaluyong.

OPINION

DANNY SIMON

6/12/20252 min read

ISANG mainit na imbitasyon mula sa pamunuan ng Barangay Malamig ang inanunsyo para sa madlang Mandaleño maging sa mga dayo upang saksihan at maging bahagi ng kasaysayan sa pagdiriwang ng kapistahan ng San Antonio De Padua ngayon (Hunyo 13, 2025) sa naturang progresibong barangay ng Lungsod Mandaluyong.

Ayon kay Kapitana Cynthia Caluya, hitik sa kaganapan ang selebrasyon ng BARANGAY MALAMIG FIESTA 2025 at tampok dito ang pagdaraos ng historic event na open para sa mga fight enthusiasts(di ito bakbakàn sa lona, ring, mat o pool ) na mumukbang challenge sa pinakamahabang salansan ng pagkain sa mesang dikit -dikit na may tapetenģ dahon ng saging upang ubusin ang nakahaing iba't-ibang tsitsang kanin, ulam na karne, isda, gulay, seafood, inihaw, pinirito, sinabawan, inadobo via kamayan (instant kontender na si chesser/ writer Marlon Bernardino diyan di ba Ka Noli Cruz?) dinakdakan, kinilaw , inatsara etsetera.

Op kors pangunahing taga-suporta ng makasaysayan at masustansiyang kaganapan si national/ international billiards and snooker icon/SEAGames multi- gold medalist/ public servant par excellence Marlon ' Marvelous" Manalo (orihinal na Ama ng Bgy. Malamig) upang makaambag sa success ng makabuluhang proyekto ng kanyang better half katuwang din ang city government ng Mandaluyong.

Ang kompletos rekados na idaraos at tinaguriang LONGEST BOODLE FIGHT ay susubo ng simul ngayong alas-cuatro ng hapon kung saan ang mesang hapaģ- kainan ay magmumula pa sa Barangka cor.Talumpong hanggang sa panulukan ng calle Basilan at Boni Avenue na tiyak nang record breaking at stomach filling eat all you can camaraderie para lahat ay busog, blurpy at happy.

" Everyone is welcome", anyaya nina Champ (Kap) Marlon M at Kapitana Cynthia.. Don Enjel Manato ng Addition Hills at Mandaleña Chat Santos, Abby Pamplona ng PLDT Boni habang import ko pareng sports ed Jeff Venancio ng ating PFT..tara na sa Malamig para sa mainit na street foodtrip ..chowtime na!