LUCKY 13TH PSC CHAIRMAN
BUENAS ang hatid ng pagkanombra ni Pangulong Bongbong Marcos sa sports leader ng bansa bilang pang-13 na chairman ng Philippine Sports Commission PSC).
SPORTS
Danny Simon
8/3/20252 min read


BUENAS ang hatid ng pagkanombra ni Pangulong Bongbong Marcos sa sports leader ng bansa bilang pang-13 na chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).
Mismo ay ramdam ito ni Patrick 'Pato Gregorio , ang pumalit kay 12th PSC head Richard Bachmann kamakailan lang..
Unang swerteng hatid ni Pato ay ang matagal nang binbin at ngayon ay realidad nang umento sa allowance ng ating mga atleta ng bansa.
Kasunod ay ang napansin niyang kawawang estado ng sports infrastracture ng mga training camps at venues na napag-iwanan na ng milya-milya sa aspeto ng pagiging moderno ng mga ibang bansang asensado at powerhouse maging ng mga nagsisimula pa lang na nasyon sa larangan ng sports. Kaya aksiyon agad si chairman na gawing state-of-the- art ang lahat ng sports infra sa bansa.
Isang buwenamanong buwenas sa pagiging 13th PSC head ni Chairman Gregorio ay ang kampeonato mundial ni Carlo Viado sa larangan ng billiards na naghari kamakailan matapos niyang sarguhin ang mga pinaka-magagaling na pool sharks sa daigdig.
Tumatamasa ngayon ng suwerte ay ang mamamayang proud Pinoy na tunay na ikinararangal at nagmamahal sa larangan ng sports.
Isa naman sa magiging barometro ng pagiging mapalad ay ang tinatayang respektableng performance ng Team Philippines na magpapartisipa sa sasambulat na 12th World Games sa Chengdu,China kung saan ay nasa 47 mandirigmang Pinoy ang sasabak sa arena ng palakasan sa mundo.
Husay at suwerte ang rekado ng magiging tagumpay sa Chengdu lalo pa't sanggang dikit sina PSC chair Pato at Philippine Olympic Committee pres.Bambol Tolentino na parehong may timon sa national athletes sa magkaibang paraan.
BUWENAS PILIPINAS!
Lowcut: Shoutout at congratulation kay combat sports icon Rene Catalan,Sr sa panibàgong tagumpay. niya sa nairaos na Philippine Encuentro Championship-Search for Filipino Heroes ng Catalan Fighting System - sudokwan,kickboxing, boxing,grappling, at MMA- na rumatsada sa CFS Gym sa Makati City nitong weekend.
Ang 2006 Doha Asian Games wushu GOLD medalist na si Catalan (Pangulo at founder din ng Sudokwan Association of the Philippines) ay matagumpay na nairaos ang tunay na grassroot sports program na potensyal na makapaghahandog ng karangalan sa bansa sa hinaharap sa larangan ng martial arts.
Pugay sa tunay na bayaning organisador na si Catalan.PAGING PHILIPPINE SPORTS COMMISSION!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato