LUNES-LINIS NA ANG MAYNILA--YORME

SA wakas, ngayong araw ng Lunes, Hunyo 30, 2025 ay simula na ng paglilinis ng nadugyot na Maynila- ang kabisera ng bansa.

OPINION

DANNY SIMON

6/29/20251 min read

SA wakas, ngayong araw ng Lunes, Hunyo 30, 2025 ay simula na ng paglilinis ng nadugyot na Maynila- ang kabisera ng bansa.

Opisyal nang babalik sa poder bilang Alkalde ng lungsod si Isko ' YORME' Moreno matapos pumalaot at iniwan sumandali ang liderato sa dating kasangga nito pero di nakayanan kahit kalahati man lang ng determinasyon ni YORME noong siya ang may timon.

Sa pamumuno ng popular na si Alkalde Isko,ang Manila ay naging mahalina na nagbalik- lunduyan ng mga turistang lokal at dayo na yao't- parito sa makasaysayang siyudad na puso ng bayan kung saan bawat tibok nito ay sumasalamin sa estado ng 'Pinas sa larangan ng ekonomiya, peace and order,turismo, kultura, sining atbp.

Kaya ngayong tanghali ng Lunes, ang unang order of the day,.. ilabas

ang lahat ng klase ng mga gamit-panglinis una ng kapigiran, sa mga masasamang elemento sa kalye, bakuran,parke,liwasan, tulay, mga landmark maging ang pagwalis ng mga dumumi,tinamad, ayaw magserbisyo pag walang padulas at iba pang basura sa loob ng city hall na nagpiyesta sa pagsasamantala sa loob ng tatlong taong singkad.

Ngayon nga ay matutuwa na ang Manileño na hindi naman nagtampo kung bakit sila iniwan pansamantala ni Yorme ay naunawaan na nila kaya nga siya ibinalik sa trono nitong nakaraang midterm election.

Tiyak namang hindi ningas -cogon ang paglilinis ni Mayor Isko dahil alam ng Manileños kung paano pinagmalasakitan ng kanilang idolo ang Manila constituents mula sa mga musmos hanggang kay lolo at grammy di ba. Ka Bambi tsokaran?..

ABANGAN!! ( For your reactions: call or text # 09451935742)