IN GOD WE TRUST
MAARI BANG IMBESTIGAHAN NG NBI ANG DIUMANO ‘Y MAANOMALYANG 8.51 BILLION PESOS CONSTRUCTION NG NEW CLARK CITY SPORTS COMPLEX?
OPO. Bakit hindi kung may ebidensya. Pero ang tanong sino lang ang iimbesigahan ng NBI. Halata naman ang target ni Dir. Melvin Matibag ay si Sen. Alan Cayetano.
OPINION
ATTY.ARIEL INTON
7/17/20262 min read


OPO. Bakit hindi kung may ebidensya. Pero ang tanong sino lang ang iimbesigahan ng NBI. Halata naman ang target ni Dir. Melvin Matibag ay si Sen. Alan Cayetano. Paano naman si DPWH Sec. Vince Dizon? Teka paano nasama si Vince sa usapang yan?
Nagdemanda noon ang Citizens Crime Watch Association laban kay Dizon na noon ay PRESIDENT at CEO ng Bases Conversion and Developmrnt Authority ( BCDA) dahil sa pag by pass daw ng public bidding ng isang irregular na joint venture agreement na nagkakahalaga ng 8.51 billion pesos. Anyare?
Naglabas agad ng statement ang Malacan̈ang na "in a joint resolution issued December 6 2021 the Ombudsman dismissed the charges due to lack of evidence". Take note ang nag dismiss ay Ombudsman at hindi ang Korte. Ibig sabihin hindi nakarating sa husgado ang usapan.
Nais daw ni Dir. Matibag na buhayin muli ang imbestigasyon. Pero nilinaw ni Matibag" that NBI is not targeting Dizon as a suspect but he may still be summon to shed light on the investigation as a resource person due to his previous leadership role at the BCDA. Ibig sabihin ni Matibag ay si Sen. Cayetano lamang ang sentro ng imbestigasyon dahil siya ang chairman noon ng SEA Games Organizing Committee.
Ano role ni Dizon sa 19th SEA Games? The BCDA spearheaded the development and construction of the NEW Clark City Sports COMPLEX. Dizon handled the multibillion pesos infrastructure contracts with the Malaysian Developer MTD Capital Berhad.
Ano naman role ni Cayetano? As Chairman Of the Organizing Committee he manage the overall organization and logistics of the event.
Puede bang imbestigahan ulit si Dizon at masampahan ng kaso kahit na dinismiss na ng Ombudsman ang kaso?
Opo. KUNG SA PAGIIMBESTIGA NG NBI ay makakahanap na matibay na ebidensya laban sa kanya? Pero di ba dinismiss na ng Ombudsman. Hindi ba Double Jeopardy na yan?
HINDI PO. WALA PONG DOUBLE JEOPARDY SA KASO NI DIZON dahil ang nag dismiss ay Ombudsman at hindi ang husgado.
May double jeopardy lang kung husgado ang naghatol ng acquittal and the case was tried and disposed BASED ON THE MERITS.
Dahil ang Ombudsman lang ang nag dismiss at hindi umabot sa trial ay maaring sampahan si Dizon at iba pa kung may matibay na ebidensiya "that would amount to a reasonable certainty of conviction. "
Gagawin kaya ni Matibag yan?
Sinabi na niya na hindi suspect si Dizon kaya safe na siya. Si Cayetano ang punterya niya.
O puede ba natin sabihin na yun ang order sa kanya?
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
