MADE IN CHINA

TUNAY na timawa ang mga Tsino. Pagkalaki na ng kanilang lupa na mistulang isa nang kontinente ay gusto pang mang-agaw ng teritoryo ng maliliit na kalapit bansa.

EDITORYAL

Gilasnews

10/18/20231 min read

TUNAY na timawa ang mga Tsino.

Pagkalaki na ng kanilang lupa na mistulang isa nang kontinente ay gusto pang mang-agaw ng teritoryo ng maliliit na kalapit bansa.

Sa kanilang pambu-bully ay pinapakita nila sa buong mundo ang kanilang kasakiman at ipinararamdam ang kani­lang military power para kung sakaling aatake na sila ay mapigilan ang ibang world power sa kanluran na makialam.

Pero anumang pagyayabang nila sa ipinakikitang military hardware ay di nababahala ang ibang mga powerful sa mundo dahil alam nila ang tatak lang ay Made in China.

Ano ba meron sa teritoryo ng Pilipinas at bakit nais nilang kamkamin? Yamang-dagat, oil exploration o sakupin ang bansa mismo kung saan ay malapit nang kontrolado ng mga Intsik ang sektor ng negosyo at iba pang aspeto sa buhay ng tao dito. Kahit nga batas ng United Nations ay di na kinikilala ng mga timawang Tsino.

Di nga lang magawa agad ang maitim na balak ng ­Pulahang Tsina dahil sa malaking interes ng Kanluran sa bansa sa kalakal , daanan sa karagatan at espasyo sa himpapawid. Matagal na panahong nahimbing ang dambuhalang dragon pero nang magising ay tulo-laway ito sa paghasik ng takaw at kasakiman. Pero di puwede ang lakas lang.

Maraming aalma at lalaban.

Nariyan ang Western at European powers, down under, rising sun at iba pang Asian nations na madadamay sa kanilang kabuktutan.

Nagpakita na rin ng tapang ang Pilipinas sa wakas. Buong giting na pinagtatanggal ng ating mga bantay-dagat ang mga inilagay na palatandaang teritoryo na ng mga Intsik ang West Philippine Sea. Patunay ito na kahit isang pulgada ay di ibibigay ng Pilipinas ang teritoryo sa dayuhan. Ganyan ang lider..kayang ipaglaban ang bayan!

Biruin niyo pag nasakop ang Philippines at naging probinsiya na lang ng Tsina ay tatawagin itong PIN LI PING..anak ng pating!!