Mag-utol ng Davao City tumipak ng gold, bronze medal!
GENERAL SANTOS CITY –Bitbit ang suporta ng pamilya humagupit ang magkapatid ng tatlong medalya sa Karatedo championships kahapon sa grandiyosong Batang Pinoy 2025 multi sports dito sa SM Trade Hall 1& 2.
SPORTS
10/29/20252 min read
GENERAL SANTOS CITY –Bitbit ang suporta ng pamilya humagupit ang magkapatid ng tatlong medalya sa Karatedo championships kahapon sa grandiyosong Batang Pinoy 2025 multi sports dito sa SM Trade Hall 1& 2.
Kumana si Eduardo M. Berco lll ng Davao City ng 1 gold at bronze sa -61kg male junior category habang ang kanyang utol na si Janne Crissile ay nakabakas naman ng bronze sa female kata category na bawat laban ay nasaksihan ng kanilang ama’t inang si Hayde at Mang Eduardo, Jr. naging malaking inspirasyon sa magkapatid.


Eduardo M. Berco lll
Janne Criselle M. Berco


“Salamat talaga kay God, dahil ‘di nya ako pinabayaan, naibuhos ko ang lakas para makamit ang medalyang ginto at bronze,” bulalas ng Grade 11 student -17 year old Berco lll kung saan target din nyang sumampa bilang pambansang atleta ng bansa dito sa torneong pinamumunuan ni PSC chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio, host City Mayor Lorelie G. Pacquiao at sponsor ng Yakult, MILO, Summit Drinking Water, Cynergy Artworks at Pocari Sweat.
Kinapos man sa inaasam na ginto, apaw pa rin ang saya ni Sodaiz Marohombsar ng Alfussilat Dragon Nusantra Team Lanao na maisabit niya ang silver para sa Elite Solo Artistic Category ng Pencak Silat. Higit ang pasasalamat ni Marohombsar sa suporta ng team manager na si Dir. Benjamin Alangca gayundin sa sports coordinator ng Lanao del Sur at Marawi City. (ENJEL MANATO)


MSU-KC team Lanao
PAMILYA Berco
PAMILYA Berco
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
