MAGILAS AWARD KAY PUBLIC SERVANT / SPORTS LEADER BUHAIN

MAGDARAOS ng prestihiyosong gawad parangal ang GILAS Media Organization na itinakda sa susunod na buwan ng Pabrero, 2024 na gaganapin sa Gilas News Auditorium sa Aldamiro Bldg., Dr.A .Santos Ave., Sucat sa Parañaque City.

SPORTS

Danny Simon

1/17/20241 min read

MAGDARAOS ng prestihiyosong gawad parangal ang GILAS Media Organization na itinakda sa susunod na buwan ng Pabrero, 2024 na gaganapin sa Gilas News Auditorium sa Aldamiro Bldg., Dr.A .Santos Ave., Sucat sa Parañaque City.

Si incumbent Batangas District 1 Representative Eric Buhain na multi international swimming gold medalist, naging chairman ng Philippine Sports Commission at Games and Amusement Board ay unanimously chosen bilang 'Magilas Leadership Award ng editorial board dahil sa 'di matatawarang husay niya bilang lider ng mga larangang pinamunuan sa bansa partikular ang pagkakalagay sa mabuting kamay ng maalong national sports association sa swimming at pinagkaisang Philippine Aquatics, Inc.

Si Hangzhou Asian Games gold medalist at world's #2 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatanggap ng Magilas Atleta award, Gilas Pilipinas coach Tim Cone bilang 'Magilas Maestro' award at Sen. Bong Go bilang Magilas Malusog na Bayan awardee dahil sa kanyang proyektong pang-masa para sa Kalusugan dahil sa kanyang Malasakit Center sa mga pagamutan nationwide.

Ang mga imbitasyon ay ipapadala sa awardees sa lalong madaling panahon.

Eric Buhain