MAJOR REVAMP SA PH WRESTLING SA 2024

PAPALITAN na ng mga bagong potensyal na manlalaro ngayong bagong taong 2024 ang national pool ng Wrestling Association of the Philippines at kakalusin na ang mga lumang manlalaro na di na kayang mag-deliver o maka-ginto saan mang international competitions.

SPORTS

Danny Simon

1/2/20241 min read

PAPALITAN na ng mga bagong potensyal na manlalaro ngayong bagong taong 2024 ang national pool ng Wrestling Association of the Philippines at kakalusin na ang mga lumang manlalaro na di na kayang mag-deliver o maka-ginto saan mang international competitions.

Ayon kay WAP president Alvin Aguilar, mahaba na ang panahon na inilaan sa kasalukuyang roster ng pambansang grapplers na ang napo-produce na medalya mula sa pagdayo ay hanggang silver na lang at pahirapan na sa ginto.

"Panahon na para sa pagbabago ng komposisyon sa national pool.Matagal na silang (players and coaches) nariyan at hanggang doon na lang ang kanilang kakayahan maging sa pinakamababang international event na Southeast Asian Games ay pahirapan nang maka- gintong medalya, " wika ni Aguilar.

Sisimulan na ni Aguilar ang komprehensibong pagtuklas ng talento mula sa grassroot level at ang nakaraang Batang Pinoy at Philippine National Games ay naging barometro ng kanyang pagtuklas ng mga potential na wrestlers ng bansa.

" Major revamp ngayong 2024 bilang preparasyon sa mga parating na international competitions na kalahok ang Pilipinas," ani pa Aguilar.

Wrestling president Alvin Aguilar (center) with young players after practice.