IN GOD WE TRUST

MAKUKULONG NA BA SI ROMUALDEZ?

Nalulungkot daw si BBM na kinakailangan makasuhan ang pinsan niya na si dating Speaker Martin Romualdez.

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

7/29/20261 min read

Nalulungkot daw si BBM na kinakailangan makasuhan ang pinsan niya na si dating Speaker Martin Romualdez. Presidente daw kasi siya ng lahat at hindi lang ng kanyang pamilya. Magandang pakinggan pero kaduda-duda pa rin kung ano ang katotohanan.

Una, kinasuhan pa lang si Romualdez at magkakaroon pa ng tinatawag na preliminary investigation. Wala pa sa Sandiganbayan ang kaso kaya wala pang warrant of arrest na mailalabas para hulihin si Romualdez at ikulong .

Sa preliminary investigation ay pasasagutin pa siya sa demanda. Part ng due process yan . Pagkatapos ng preliminary investigation ay saka titingnan kung ididismiss ba ang kaso o isasampa sa husgado.

Kung madidismiss marahil ang lungkot ni BBM ay mapapawi ng tuwa. Pero kung sakaling isampa sa husgado ay ano naman ang kaso?

Kung plunder ang kaso tulad sa mga naunang nakasuhan ng plunder ay NO BAIL RECOMMENDED kaya pag nagka - warrant at nadakip siya o sumuko ay makukulong siya habang may paglilitis unless mag file siya ng petition for bail at payagan ng husgado. Kung sakali naman ibang kaso ang isampa at may bail recommended makaka- pyansa si Romualdez at may pansamantalang kalayaan siya habang linilitis ang kaso. Due process yan.

Para kay Romualdez ay wala siyang kasalanan. Pero babala niya na hindi siya papayag na gagawin siyang scapegoat sa flood control scam. May idadamay kaya siya? Ituturong mastermind? Malalaman natin kapag may resulta na ang preliminary investigation sa kanya.

Sa ngayon ang kaso laban kay Romualdez ay nagamit na propaganda sa SONA. Pero kung mahahatulan si Romualdez na guilty , marami ang umaasa na hindi lamang siya at marami pang iba. SANA ALL .

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...