MANILA PASIKLAB SA UNANG RATSADA NG BATANG PINOY GENSAN 2025

GENERAL SANTOS CITY- Naghatid ng maugong na mensahe ang koponang Manila sa unang ratsada ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 dito.

SPORTS

10/27/20251 min read

GENERAL SANTOS CITY- Naghatid ng maugong na mensahe ang koponang Manila sa unang ratsada ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 dito.

Ang Manila sa pamumuno ni MASCO head Dale Evangelista na nagpadala ng halos 300 atleta ay kumopo ng 6 na gintong medalya, 5 pilak at 3 tanso sa kabuuang 14 upang ungusan ang defending overall champion Pasig City na may 4-4-3 tally na nagpapahitig ng kahandaan ng Big City na hubaran ng korona ang powerhouse Pasiguenos.

'Optimistikong tayong makuha ang ating misyong dito sa GenSan" ani Evangelista.

Ang Quezon City na tumetersera ay may 3-3-0 .

Bongga naman ang showing ng Zamboanga sa likom na 3-3-0 kasunod ang Cebu sa produksiyon nitong 3-2-2 habang di naman pahuhuli ang host General Santos City na kumamada rin ng 3 golds, 1 silver at 1 bronze.

Tatlong ginto rin ang naisukbit ng Iloilo Province, tig-2 sa Sta Rosa sa Laguna, Iloilo City, Tarlac, Malabon at Mabalacat. (ENJEL MANATO)