IN GOD WE TRUST

Manila Swim Meet sa TOPS Usapang Sports

Sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room ang ilalargang Manila Swim Meet na itinataguyod ng Growee vitamins.

SPORTS

3/18/20261 min read

Sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room ang ilalargang Manila Swim Meet na itinataguyod ng Growee vitamins.

Pangungunahan ni sports organizer Darren Evangelista ang mga opisyal sa likod ng programa na naglalayong maiangat ang antas ng swimming sa grassroots level ganap na 10:30 ng umaga .

Makakasama ni Evangelista sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sina Anita Lim, Brand Manager for Growee, Meiji See Segment Head Pedia Multivitamins at Wynonah Pua, Brand Manager for Immunpro.

Inaanyayahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng Pahayagang Bulgar ang mga miyembro at opisyal na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa opisyal Facebook page na TOPS Sports, Sports Corner at Bulgar Sports.