MANILA YOUTH GAMES BUBUHAYIN MULI NG MASCO

MATAPOS ang mahaba-habang pagkatengga sa aksiyon,muling raratsada ang naging pangunahing mina ng talento ng kabataang Manileño, ang Manila Youth Games (MYG).

SPORTS

Ni Danny Simon

9/15/20251 min read

MATAPOS ang mahaba-habang pagkatengga sa aksiyon,muling raratsada ang naging pangunahing mina ng talento ng kabataang Manileño, ang Manila Youth Games (MYG).

Hangad ni Manila Sports Council (MASCO) Chief Dale Evangelista na mas maraming matuklasang atleta mula Maynila sa pamamagitan ng pagdaraos ng naturang palaro upang kalaunan ay mahasa ang galing tungo sa pagiging Olympian.

“That’s my dream, but reality is very clear as MASCO with the support of Manila Mayor Isko Moreno is buckled up to work and make Manila great again as the top sports city in the country,” pahayag ni Evangelista.

“The last Filipino so far na may double gold medal sa Olympic sa purong taga-Maynila,” saad ni Evangelista patungkol kay gymnast Carlo Yulo na laking Paraiso ng Maynila sa Malate.

Matapos maitalaga bilang MASCO Chief kaagad na inilatag ni Evangelista ang programa para palakasin ang kasanayan ng atletang Manileño mula sa grassroots hanggang sa elite level upang masiguro ang ‘continuity’ hindi lamang sa kanilang pagsasanay bagkus sa kanilang edukasyon.

Bukod sa revival ng MYG,agarang inilunsad ni Evangelista ang pagpapatupad sa mga programang pang-sports sa mga barangays, pakikipagpulong sa mga opisyal na pampubliko at pribadong eskwelahan, higit ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman Pato Gregorio upang magamit ang mga pasilidad sa pambansang training center.

“Sa Manila may mga existing sports facilities naman tayo. Andyan ang Dapitan Sports Center at Tondo Sports Complex. Lahat yan ay under repair and maintenance na para magamit pero syempre malaking bagay sa Batang Maynila ang pagbubukas ni Chairman Gregorio sa pasilidad ng Rizal Memorial Sports Complex.

“Under kay Yorme Isko, kaya ngating ibalik ang Manila bilang sports center sa bansa. Kakayanin natin yan at yan ang aming gagawin,” ayon kay Evangelista, dating miyembro ng national water polo team.