Manila's Finest Golf Cup sa Tops

Serbisyong Kapulisan sa pamamagitan ng sports ang sentro ng usapin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports” ngayong Huwebes, Oct. 17 sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

SPORTS

Enjel Manato

10/16/20241 min read

Serbisyong Kapulisan sa pamamagitan ng sports ang sentro ng usapin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports” ngayong Huwebes, Oct. 17 sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Pangungunahan ni P/Dir. Pedro Bulaong (ret.) ang mga opisyal ng organizing committee para talakayin ang fund-raising golf tournament Manila Finest Golf Cup na nakatakda sa Disyembre 9, 2024 sa public sports forum ganap na 10:30 ng umaga.

Makakasama niya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sina tournament director Darren Evangelista ang iba pang opisyal tulad nina P/Maj. Bonifacio Aporo (ret), P/Maj Eduardo Villanueva, P/Maj, Mario Magno (ret), P/Maj. Jose Canares (ret), P/Maj. Alice Santos (ret), P/Maj. Ofelia Torres (ret), at P/Maj. Lily Olayres (ret).

Inaanyayayahan ni TOPS president Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro gayundin ang mga sports enthusiasts na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa TOPS ‘Usapang Sports’ Facebook page, Bulgar Sports, at sa Channel 8 ng TVC Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong network mobile apps na libreng mada-download sa Android phone.