IN GOD WE TRUST

MANONG CHAVIT SINGSON AT BILLIARDS ICON AMANG PARICA NOON AT NGAYON

NASA Pilipinas si billiards icon Jose ' AMANG' Parica.

SPORTS

DANNY SIMON

10/21/20262 min read

NASA Pilipinas si billiards icon Jose ' AMANG' Parica.

Isa sa wish ni Amang ang makadaupang -palad muli ang tanyag na personahe sa politika,negosyo, showbiz, sports at star for all season na si Manong Chavit Singson dito sa Pinas. Sa 'Tate madalas sila magkita with Gov's grandson John Singson. Naka-staycation ngayon ang buhay na alamat sa larangan ng billiards mundial na si Parica na kilalang Amang,The King at Giant Killer.

Si US- based professional pool player Parica na tubong Maynila is in town upang maka-tumbukan personal ang kanyang mga buddy- buddy na naging world champions din tulad nina The Magician Bata Reyes et al na

na siyang( Amang) pasimuno sa US invasion ng Filipino pool champs.

Si Amang Parica ay itinuring na isa sa best pool players at money players sa kasaysayan sa mundo ng billiards bago pa dumating ang isang dakilang alamat din sa katauhan ni Efren ' Bata Reyes na lalong nagpatibay sa pagkakilanlan sa mga Pilipino na da best at kinatatakutan sa larangang sinundan pa ng mga Django Bustamante,Marvelous Marlon Manalo, Ronnie Alcano,Robocop Orcullo ,Carlo Biado at marami pang ibang batikan na nanindak sa daigdig ng mga manunumbok at teribol sa velvet table.

Narito sa bansa ang 1987 Jakarta Southeast Asian Games Filipino 8- ball gold medalist at 9- ball singles world champion(1988) na si Parica holder ng record perfect TPA score na 1,000 pts sa isang race to 11 racks na walang naging mintis sa kabuuan ng laban noong dekada '90 ay wish din niyang makadaupang palad agad ang kanyang iniidolong national figure leader na si CHAVIT.

Magaganap ang wish ni Amang dahil kapag nalaman agad ito ni Manong Singson na narito sa bansa si ka-Ilokanong living legend Amang Parica na nagbigay na ng di birong karangalan sa Pilipinas ay tatawagan siya agad ni Manong Chavit ora mismo.

Si Amang rin ang unang nagpatunay na ang billiards ay di isang sugal o bisyo dahil lakip nito ang isang pangarap at ambisyon na maging kampeon sa mundo tulad niya at nina Bata Reyes.

May isang Dream Match na matagal nang ikinakasa ang billiards afficionados sa bansa na malapit nang maging realidad- ang tumbukang 'BATA VS AMANG" before or after Amang Parica Cup. Malamang sa Cue Club ni Pacman..ani Marvelous Manalo,sinong mananalo? Tiyak Manong CHAVIT will support IT...ABANGAN!

FYI: Si Amang ang isa sa mga tanyag na celebrities tulad nina comedian Bert 'Tawa Marcelo,singer Rico Puno,Jockey Eduardo at legendary boxer Flash Elorde ang mga naging bida sa iconic at patok na San Miguel Beer commercial na 'ISANG PLATITONG MANI!

Ano kayang magandang komersyal sa ISANG MALETANG MONEY? like, share and comment ka-Uppercut!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here