Marathon at basketball sa TOPS Usapan
ISYU sa marathon at basketball ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS), Inc. ‘Usapang Sports’ ngayon Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.
SPORTS
5/28/20251 min read


ISYU sa marathon at basketball ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS), Inc. ‘Usapang Sports’ ngayon Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila
Ang mga paghahanda para sa muling pag-arya ng pamosong Manila Marathon ang ilalahad ni event organizer at dating marathon champion na si Dino Jose sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Makakasama niya sa media forum ganap na 10:30 ng umaga ang dati ring basketball player at ngayon community-based basketball organizer at health advocate na si Norman Afable,
Inaanyayahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga miyembro, opisyal at sports aficionado na makiisa sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa TOPS Usapang Sports officials Facebook page, sa Bulgar Sports at sa Channel 8 Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong network apps na libreng mada-download sa Android phone.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato