MARAWI CITY LGU SUPORTADO ANG KANILANG PENCAK SILAT ATHLETES NA SASABAK SA DINAGYANG OPEN SÅ ILOILO CITY

TODO suporta ang Marawi City LGU sa paglahok ng pambatong pencak silat athletes nito para sa paparating na prestihiyoso at higanteng kaganapang 14th Dinagyang Pencak Silat National Inter- School Championship and Open Silat Festival Contest na idaraos sa Iloilo Science and Technology University sa La Paz, Iloilo City muĺ Enero 23 hanggang 25, 2026.

PHOTO GALLERY

Ni Danny Simon

11/19/20251 min read

TODO suporta ang Marawi City LGU sa paglahok ng pambatong pencak silat athletes nito para sa paparating na prestihiyoso at higanteng kaganapang 14th Dinagyang Pencak Silat National Inter- School Championship and Open Silat Festival Contest na idaraos sa Iloilo Science and Technology University sa La Paz, Iloilo City muĺ Enero 23 hanggang 25, 2026.

Ayon kay Coach Jamel Hussein Marohombsar, NLP Alfusillath President,Lanao Association for Pencak Silat, Inc.Marawi City, tiniyak ng kanilang punong - lungsod na si Marawi City Mayor Shariff Zain Lanto Gandamra ang kanyang buong suporta para sa kanilang pambatong atleta na magpapasiklab. ng kanilang talento sa larangan sa kumpetisyon ng pencak Silat sa Iloilo City.

"Nagpapasalamat ang inyong lingkod sa ating butihing Mayor (Shariff Zain Lanto Gandamra)sa kanyang malasakit at suporta sa ating mga atleta at Alfussilath partikular sa pencak sìlat.We are preparing for national tournament after gaining medals in Batang Pinoy 2025," wika ni Marohombsar.

"Our campaign in Iloilo is also part of preparation for Asian Youth Games 2026," ayon pa sa premyadong coach.

Sinabi pa ni Marohombsar na magko-conduct siya ng try out sa Lanao ng Alfusillath Hybrid sa Nobyembre 29, 2025.

Ang binansagang Warriors of the Lake ng Lanao ay nakapag-uwi ng 1 gold- 2 silvers at 1 bronze nitong nakaraang Batang Pinoy Gen San 2025.

Ang Dinagyang Pencak Silat festival ay inorganisa ng Kabugwason Bela diri Inc sa Iloilo City.

Ang Alfussilath team ay suportado rin ng Bangsa Moro Sports Commission sa Lanao.

Nag-courtesy call kay Marawi City Mayor Shariff Zain Lanto Gandamra( gitna) ang mga pambatong pencak silat athletes na nagpakitang gilas at nag-uwi ng medalya nitong nakaraang Batang Pinoy Games GenSan 2025 kasama ang kanilang maestro na si coach Coach Jamel Hussein Marohombsar ng Alfusillath Marawi.