IN GOD WE TRUST
MARCOS SUPORTADO ANG SARA PRESIDENCY
TAHASANG idineklara ni social media influencer Francis Leo Marcos ang kanyang pagsuporta sa presidency ni VP Sara Duterte para sa 2028 presidential election.
NEWS
Ni Danny Simon
4/10/20261 min read


TAHASANG idineklara ni social media influencer Francis Leo Marcos ang kanyang pagsuporta sa presidency ni VP Sara Duterte para sa 2028 presidential election.
Ang kanyang pahayag ay bunsod ng mga direktang katanungan at reaksiyon sa live streaming ng Mr.Caliber Live sa YouTube Channel sa kanyang pagbabalik sa Maynila mula sa bakasyon sa balwarte nitong Isabela.
"I will support Inday Sara's presidency come 2028 polls.Iyon ay kung di siya ma-impeach.Let's wait and see,malayo pa naman," sagot niya sa naturang segment kung saan ay marami sa kanyang followers ay isinusulong din ang senatorial bid niya na mariin pa rin naman niyang tinatanggihan dahil sa aniya ay pahirapang manalo kung wala ring solid na suporta sa bigtime political arena.
Ang batang Marcos ay magugunitang tumakbo sa pagka-Senador noong 2022 national elections kung saan ay nakalikom siya ng impresibong limang milyong boto pero di sumapat upang maluklok sa trono ng upper chamber.
Ang ginastos ni FLM ay mula sa kanyang sariling sikap at solid followers na kanyang pinasasalamatan hanggang sa kasalukuyan.
Nitong nakaraang 2025 midterm polls ay muling sumabak si Francis Leo Marcos pero sa kalaunan ay binawi ang kanyang kandidatura upang bigyang daan àt suportahan ang kampanya ni Senator Imee Marcos at nahalal ang huli bilang pang-dose at huli dahil na rin sa tulong ng kanyang milyones ng followers na tumalima kay FLM para suportahan ang kanyang ka- Marcos.
Kung mai-impeach si Sara aniya ay susuportahan niya sa highest position si dating Senator Gringo Honasan o ang incumbent Senator Ping Lacson kung sila ay tatakbo sa pampanguluhan sa 2028.
Hindi naman aniya prayoridad sa kanya ang politika dahil ang pokus niya ngayon ay ang hanapbuhay at ipagpatuloy ang humanitarian advocacy sa mamamayang Pilipino kung saan siya sumikat sa buong bansa.
Ang naging kontrobersyal na pangyayari kay FLM kamakailan kung saan siya ay dinakip ng Kapulisan sa reklamong unjust vexation lamang na naging national issue ay lalong nagpatatag ng pagiging national figure nito kung saan ay dumami pa lalo ang sumimpatiya sa kaniya at bumigo naman sa kanyang mga kalaban na mahila siya pababa.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
