IN GOD WE TRUST

Marinduque Mission..FLM BUKAS-PALAD SA MGA MAG-AARAL NG BIKAS- BIKAS ELEM. SCHOOL

MAY magandang bukas na naghihintay sa Bikas -Bikas Elementary School sa lalawigan ng Marinduque.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

ni Danny Simon

2/20/20262 min read

MAY magandang bukas na naghihintay sa Bikas-Bikas Elementary School sa lalawigan ng Marinduque.

Ang tanyag na social media influencer na si Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD HC ay dumalaw sa napaka-espesyal sa puso nitong lugar na naging bahagi ng kanyang kamusmosan sa nayon ng Bikas- Bikas ng island province na Marinduque sa rehiyon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).

Si FLM ay sinalubong at inagapayan ng kanyang kababatang si Alex Fabella upang tuparin ang kanyang misyon na bahaginan ang kanyang mahal na naging ka-lunan noon partikular ang mga musmos na estudyante ng BBES.

Ang mag-tropang Marcos at Fabella ay mainit na sinalubong ng school principal at pupils ng paaralang nangangailangan din ng total na kumpuni partikular ang mga bubong ng hiwa-hiwalay na mga gusali.

Kumbaga sa sundalo ay full- battle- geared ang humanitarian champion na si FLM kung saan ay namudmod siya ng biyaya sa mga nasorpresang mga batang mag-aaral na magiging baon na nila pagpasok sa escuela nang matagalan din.

Nabiyayaan din ng galanteng genuine Ilocano-Marinduqueño ang mga bayaning guro sa bagong panahon at lahat ng naroroon sa misyong iyon.

Sa sandaling iyon din ay namataan ni FLM ang mga niluma na at binutas ng panahong mga yero na nagsisilbing bubong ng higit sa 500 pupils at kindergarten.

May nagpanukalang manawagan sila sa mga taong naging bahagi ng paaralang iyon na mararangya na ang kanilang buhay na mag-ambag ng kahit paano para sa renobasyon ng kanilang alma mater noon.

Hindi na inintindi ng pandemic hero ang proposisyong iyon dahil ora mismo ay sinolo na ni Apo FL Marcos ang gastusin ng kumpuning iyon ng bubong kaya sa bukas- makalawa ay matutupad ang pagkakaroon ng bagong panilong na kayang sagkain ang masamang panahon at mananatiling matatag ito sa henerasyon ng mga batang mag- aaral ngayon.

Gaano man kabuti ang gawain at hangarin ay may masasamang elemento pa rin ang pumunang mga kampon ni 'Taning pero wa-epek na ito kay Dr FLAM PhD HC dahil ang importante ay makataong nakatutulong siya sa mga sandaling iyon habang ang mga balasu'bash na walang silbi sa sangkatauhan na mga bara'bash ay OGAGS na at MAKAUNGAS pa!

Bigwas-pataas (uppercut) ang bagay sa inyong bash'ag ang ulo...MISMO!