Mark Palomar ng 'Pinas vs Darui Tang ng China... URCC FIGHT NIGHT BAKBAKAN NA!
SISIKLAB na ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Tsino.
SPORTS
Enjel Manato
9/21/20241 min read


SISIKLAB na ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Tsino.
Heavyweight ang bakbakan ng pambato ng Pilipinas na si Mark Palomar,in full -battle geared na sasagupa kontra Darui Tang ng China pagsapit ng Universal Reality Combat Championship( URCC)Fight Night sa Setyembre 28 sa Octopus Bar ng Kalye Burgos, Makati City
Sa press presentation na idinaos kamakalawa sa Octopus, ang venue ng naturang giyerang MMA ng Pilipinas at China,kumpiyansang tiniyak ni Palomar sa kalabang si Tang na isa sa kanila ang babagsak at sandalian lang ang magiging bakbakan
"Isa sa amin ang babagsak at malamang ay siya (Tang). Pinaghandaan ko ang labang ito upang patunayan na numero uno ang Pilipinas sa larangan ng combat sports sa Asia,"astig na wika ni Pinoy Palomar.
Tinapatan naman ng banta rin ni Tang at kampanteng ipinahayag na siya ang magwawagi, kontra Pinoy na katunggali at ito ay masasaksihang bagsak ang kanyang kanyang kalabang Pinoy sa harap ng kababayan.
"It will be a very short fight, my opponent will be knocked out at fight night" sambit ni Tang.
Ang naturang main event ay tatampukan ng undercards nina Jacis Macasinag vs Ezekiel Isidro sa 135 lbs at magpapakitang gilas ang mga prized fighters na sina Gabriel Baguio vs MJ Montealto sa 155, JR Alejandro sa 125 naman sina Marvin Malunes; Ariel Oliveros vs Kenneth Maningat sa 125 ;Dave Valencia at Ferdinand Aquino sa 115 lbs. at Jared Alzeta vs Rocky Vergara s 125.
" Iniimbitahan natin ang lahat ng fight enthisiasts na saksihan ang mga laban for personal glory and beyond", pahayag ni URCC MMA founding president Alvin Aguilar.
Nagkainitan at nagtulakan sina FightNight heavyweight contender Mark Palomar ng Pilipinas kontra Darui Tang ng China sa kanilang faceoff habang namamagitan si URCC top brass Alvin Aguilar.(kuha ni Raul Garcia)


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato