IN GOD WE TRUST
Marlon 'Marvelous' Manalo Cup Billiards Invitational sa Mandaluyong
LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagsargo ng Marlon 'Marvelous' Manalo Cup Billiards Invitational na gaganapin sa Abril 30, Mayo 1 at 2 sa Pacman's Cue Club sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
SPORTS
ni Danny Simon
4/23/20261 min read


LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagsargo ng Marlon 'Marvelous' Manalo Cup Billiards Invitational na gaganapin sa Abril 30, Mayo 1 at 2 sa Pacman's Cue Club sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ang tatlong araw na kompetisyon na may tatlong dibisyon ay may kabuuang premyong P150,000, kung saan tig-P50,000 ang mapapanalunan sa bawat kategorya.
Tatlong araw. Tatlong dibisyon. Isang malaking bakbakan.
Asahan ang 18 tournament-grade tables, gamit ang Simonis 860 cloth, at mahigpit na pagsunod sa WPA 10-Ball International rules.
Format: Double Elimination. Ang isang talo ay hindi katapusan. Kapag natalo sa unang round, bababa pa sa Challenger's Bracket at may pagkakataon pang makabangon at makarating sa Finals.
Opisyal na Iskedyul:
- Abril 30: Division 1 - Beginner (Class D) 1.5-2.5
- Mayo 1: Division 2 - Intermediate (Class C) 3.0-4.5
- Mayo 2: Division 3 - Advanced (Class A/B) 5.0-9.0
- Mayo 2, 2026: FINAL 8 ng lahat ng Division
Entry Fee: ₱2,200 bawat manlalaro
Mahigpit na Handicap: Ang lahat ay dadaan sa masusing screening ng Official PCC Handicap Committee upang maprotektahan ang integridad ng laro at masiguradong patas ang laban base sa tunay na galing.
Limitado lang ang pwesto at mabilis mapuno ang slots. Mag-DM na sa aming page o makipag-ugnayan direkta kay Tournament Director Benjie Guevarra para makapagparehistro.SARGUHAN NA!
Lowcut: Special shoutout to a gorgeous lady Ms.Dawn ( the boss par excellence)at kabisnes na sina Ms. Evangeline Parcon, Ms Cathy Nell V at Ronald 'Bong' V.,kay Kuya Bong Bantang ng team Manila at kina Kabalen Edward S.at Ervin S.ng koponan Tarlac . A solid productive teamwork indeed. Good More'earning sa lahat! MISMO!!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
