IN GOD WE TRUST
MARTIN who is the LOOTER KING?
Minsan ay nagpahayag ng babala si dating Speaker Martin Romualdez tungkol sa sinasabing siya ang pinakamalaking balyena sa FLOOD CONTROL SCAM.Ang sabi niya:
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
9/8/20262 min read


Minsan ay nagpahayag ng babala si dating Speaker Martin Romualdez tungkol sa sinasabing siya ang pinakamalaking balyena sa FLOOD CONTROL SCAM. Ang sabi niya:
I WILL NOT GO QUIETLY,AND I WILL NOT GO ALONE. I WILL NOT BE THE FALL GUY FOR OTHER PEOPLE'S CORRUPTION.
Ngayon at nasampahan na ng plunder case ng Ombudsman si Cong. Martin at naihain na sa kanya habang nasa hospital bed siya ang warrant of arrest ay HANDA NA BA NIYA ISIWALAT AT TUKUYIN KUNG SINO YUN TAO O MGA TAO SA " OTHER PEOPLE'S CORRUPTION " .
Tinatanggi niya na may kinalaman siya sa flood control scam. Bakit siya ang tinutukoy na mastermind? HINDI NAMAN PAPASA ANG TRILLIONG PISONG BUDGET SA FLOOD CONTROL KUNG HINDI PINASA NG HOUSE AT SENATE. Bakit siya lang? HINDI NAMAN MAGIGING BATAS ANG PINASANG BUDGET KUNG HINDI PINIRMAHAN NG PRESIDENTE? Bakit siya lang. HINDI NAMAN LALABAS YUN PERA AT MAPUPUNTA SA MGA CORRUPT NA DPWH OFFICIALS KUNG HINDI HINAYAAN NG IILAN? Bakit siya lang?
Ilang congressmen ang may sampalataya sa kanya yun Speaker pa siya. Asan sila ngayon? Ang ilan prosecutor sa impeachment trial ni VP SARA. Tikum ang bibig. Kasama ba sila sa sinasabing " other people's corruption?
Sa ngayon ay nasa hospital siya at may isinampang motion ang kanyang abogado na dahil daw sa kanyang karamdaman ay mas mainam na nasa hospital siya.
Sa Rule 113 ng Rules ay ito ang sinasaad:
Sec 3. Duty of the Arresting Officer: It shall be the duty of the officer executing the warrant to arrest the accused and DELIVER HIM TO THE NEAREST POLICE STATION OR JAIL WITHOUT UNNECESSARY DELAY.
Paano siya dadalhin kung naka confine siya? Yan ang motion ng mga abogado ni Cong. Martin.
Pero hindi puede ang hospital stay to permanently avoid going to jail. Temporary while receiving medical treatment puede . Kapag sinabi ng doctor niya na transfering him to jail and being detained will not endanger his health then kalaboso sya. Pero hayaan natin ang Sandiganbayan ang humatol sa motion ni Cong. Martin.
May mga nagsasabi na script lang ng Malacan̈ang yan at ultimately ay hindi rin pababayaan ng pinsan niya si Cong. Martin.
Pero kung may script man, di kaya mag AD LIB si Cong. Martin at itong drama ng ito ay maging musical pag kinanta na niya ang mga involved sa" other people's corruption "?
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
