MASCO mas aangat sa Batang Pinoy
Puntirya ni Manila Sports Council (MASCO) Chief Dale Evangelista na mas maraming Batang Maynila ang maging Olympian sa hinaharap.
SPORTS
Ni Danny Simon
9/11/20252 min read


Puntirya ni Manila Sports Council (MASCO) Chief Dale Evangelista na mas maraming Batang Maynila ang maging Olympian sa hinaharap.
“That’s my dream, but reality is very clear as MASCO with the support of Manila Mayor Isko Moreno is buckle up to work to make Manila – again, became the top sports city in the country,” pahayag ni Evangelista sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa PSC Conference room.
“The last Filipino so far na may double gold medal sa Olympic sa purong taga-Maynila,” saad ni Evangelista patungkol kay gymnast Carlo Yulo na laking Paraiso ng Maynila sa Malate.
Matapos maitalaga bilang MASCO Chief kaagad na inilatag ni Evangelista ang programa para palakasin ang kasanayan ng atletang Manilenyo mula sa grassroots hanggang sa elite level upang masiguro ang ‘continuity’ hindi lamang sa kanilang pagsasanay bagkus sa kanilang edukasyon.
Aniya, kagyat niyang inilunsad ang pagpapatupad sa mga programa sa mga barangays, pakikipagpulong sa mga opisyal na pampubliko at pribadong eskwelahan, higit ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) sa liderato ni Chairman Pato Gregorio upang magamit ang mga pasilidad sa Pambansang training center.
“Sa Manila may mga existing spirts facilities naman tayo. Andyan ang Dapitan Sports Center at Tondo Sports Complex. Lahat yan ay under repair and maintenance na para magamit pero sye,pre malaking bagay sa Batang Maynila ang pagbubukas ni Chairman Gregorio sa pasilidad ng Rizal Memorial Sports Complex.
“Under kay Yorme Isko, kaya nating ibalik ang manila bilang sports center sa bansa. Kakayanin natin yan at yan ang aming gagawin,” ayon kay Evangelista sa lingguhang forum na itin,ataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweats at Lila Premium Healthy Coffee.
Iginiit ni Evangelista na nakatuon ang pansin ng MASCO na maagaw ang korona sa Pasig City sa gaganaping Batang Pinoy sa Oktubre 24 hanggang Nov. 1 sa Gen. Santos City kung saan sasabak ang Manila sa 15 sa 24 na sports na paglalabanan.
“Lahat syempre gusto nating madomina pero right now Malaki ang laban natin sa Batang Pinoy sa athletics, aquatics, boxing, gymnastics, karate, weightlifting, chess at taekwondo,” aniya.
Sa aquatics, katuwang niya sa pagpapalakas sa sports ang nakatatandang kapatid at beteranong swimming coach at event organizer na si Darren Evangelista.
Ilalarg ani Darren ang Yorme Swimming Cup bilang panimula na nakatakda sa Setyembre 27-28 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center.
“So far 40 teams na nakalista and we expected na over 700 ang swimmers natin dito. Katuwang natin dito syempre ang Right Med at Balay Royale Spa. Aside from this, may tournaments din tayo sa running, weightlifting and golf,” ayon kay Darren.
MASCO sa TOPS
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato