MASTER CRISANTO CUEVAS NG PILIPINAS, HALL OF FAMER SA USA
IBA talaga ang Pinoy pagdating sa internasyunal na eksena.
OPINION
DANNY SIMON
9/17/20242 min read


IBA talaga ang Pinoy pagdating sa internasyunal na eksena.
Tunay na mamamayagpag sa kanilang larangang kinabibilangan para sa karangalan ng Pilipinas.
Nitong nakaraang weekend lang, isang Pilipino na naman ang ginawaran ng parangal mula sa prestihiyosong award -giving body sa Estados Unidos.
Si Master Crisanto Cuevas, founder ng GSF Raven Sikaran Martial Arts Tanay at opisyal ng Global Sikaran Federation na itinatag ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag na nakabase sa San Francisco, California USA ay ginawaran ng 'Esteemed Elite Warrior Award' ng Golden Gate Hall of Honors sa South San Francisco.
Ang proud Tanayan na si Cuevas na patuloy ang ginagawang promosyon ng Sikaran Martial Arts nationwide partikular sa lalawigan ng Rizal
na marubdob ang operasyon at programa ng GSF Tanay sa timon ng kanyang maasahang staffs habang siya'y naka-base rin sa California.
Gayundin bilang isang Martial Arts Hall of Famer sa kanyang adbokasiyang mapalawig ang larangan ng sikaran di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo sa timon din ni GM Hari Osias katuwang din ang iba pang afficionados worldwide.
Sa kanyang pagtanggap ng gawad ay inialay niya ang prestihiyoaong parangal una sa Maykapal, gayundin kay GM Osias, sa mga kabataang entusyastiko sa Sikaran sa Pilipinas at worldwide at sa Sambayanang Pilipino.
Sina Master Cuevas at sa pamumuno ni GM Hari Osias Catolos Banaag ay instrumental sa pagpapakitang gilas ng mga kabataang Pinoy Sikaran martial artists sa harap ng libu-libong NBA crowd at milyones sa buong mundo sa halftime ng Golden State Warriors game ng dalawang beses na pinalakpakan ng buong mundo ang galing ng Pilipino.
Ang gabi ng parangal ay pinagningning ng mga martial arts film superstars mula Hollywood tampok ang paggawad kay Cuevas ng eleganteng tropeo mula organisador at maalamat na Hollywood action film actress martial artist Cindy Rothrock.
Nagpupugay ang korner na ito at ang sambayanan kay Master Cuevas na dangal ng Pilipinas.SALUDO!
Lowcut: International Traditional Sport Worldwide afficionados Ms. Baba Yuko and Mr. Tetsuya Tsuda of Japan are extending their congratulations to Hall of Famer Master Crisanto Cuevas for his latest achivement. Domo Arigato!






Awardee Master Crisanto Cuevas with Hollywood action superstar Cyndy Rothrock
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato