Master Cuevas ng Pilipinas Nominado sa AFKA Hall of Fame
MALAYO na ang nararating ng isang kababayan nating naging tanyag sa larangang naghandog ng karangalan sa bansa- ang Sikaran.
SPORTS
ni Danny Simon
9/4/20252 min read


MALAYO na ang nararating ng isang kababayan nating naging tanyag sa larangang naghandog ng karangalan sa bansa-ang Sikaran.
Patunay lang na nakikilala na ang Philippine martial arts sa buong mundo kaya si Sikaran Master Crisanto Cuevas ,nangungunang advocator ng traditional sport na sikaran sa bayang sinilangang Tanay na siyang founder ng GSF Raven Sikaran Tanay at nagtayo pa ng Sikaran training school para sa kabataang may potensyal sa kanyang balwarte mismo ay dumarami ang mga batang natututo at nagmamahal na sa sikat na tradttional sport.
Kung sa ibang mga bayan at lungsod sa Pilipinas ay sikat ang basketball,volleyball at iba pa,iba ang mga Tanayenos,sikaran ang number one. Iyan ay dahil sa adbokasiya ni Master Cuevas at suporta ng Tanay LGU sa pamumuno ni Mayor RM Tanjuatco pati na ang buong lalawigan ng Rizal.
Nakakapagtaas- noo kapag ang isang kababayan nating tulad ni Master Cuevas ay nire-reconize ng mga mapanuring-uri sa ibang bansa kaya dapat nating ipagmalaki sa mundo na may outstanding Filipino ang nominado sa pretihiyosong AFKA( American Freestyle Kaizen Association) Hall of Fame.
Ang notice ng nominasyon ay ipinadala kay Master Cuevas kamakalawa lakip ang pagpupugay sa kaniya mula kay AFKA GrandMaster Lawrence Arthur para sa kanyang gawad na Meiyo= Honor- Lifetime Honor Award ng AFKA.
Ang American Freestyle Kaizen Hall of Fame ay grandiyosong gaganapin sa Oktubre 25,2025 sa Lynchburg VA.
Itanghal natin mga kababayan si Master Crisanto Cuevas ng GSF Raven Sikaran Tanay .."This is one of the highest honors he can receive in the martial arts."
Si Master Crisanto ay tumanggap na rin ng parangal mula Walk of Fame sa India at Gilas Award sa Manila nitong 2025 lamang.More to come..Bawat Gawad kay Cuevas,Dangal ng Pilipinas!
Lowcut- Isa sa mga may bahagi sa tagmpay ni Master Cuevas siyempre una ang Panginoon,ang kanyang maybahay at kapamilya,ang secgen niya sa GSF Raven Sikaran Tanay at training school na si Ms.Nicole Catolos at op kors kay GSF Grand Master Hari Osias Catolos Banaag.Pugay MABUHAY!
Special shoutout kay Tanay Admin bossing Jeff Pino sa kanyang mainit na pagtanggap sa isang bisita na kaalagad natin sa pamamahayag na may asignatura tungkol sa tourism nila at Hane Festival.Kudos kay Ms.Navarra.Thanks for you kind hospitality HANE po!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato