IN GOD WE TRUST

MATAGUMPAY NA GROWEE SWIM MEET NI DARREN E AT MASCO

IISA Ang naging direksiyon ng nasa 300 kabataang competitive swimmers nitong nakaraang weekend- ang Teofilo Ildefonso Swimming Pool na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex( RMSC) sa Malate, Manila.

SPORTS

ni Danny Simon

3/22/20261 min read

IISA Ang naging direksiyon ng nasa 300 kabataang competitive swimmers nitong nakaraang weekend- ang Teofilo Ildefonso Swimming Pool na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Nasa 30 koponan mula Metro Manila at karatig lalawigan ang nagpakitang- gilas sa layuning makakapag- uwi ng medalyang pangarap nila bawat kumpetisyon tulad ng Growee Manila Swim Meet.

Bagama't sobrang pagod sa pagtimon ng prestihiyosong kumpetisyon,mas nangingibabaw ang kagalakan kay YINGFA president Darren Evangelista dahil sa paglutang at pagtampisaw ng mga potensyal na talent ng mga kabataan partikular sa age- groupers at junior swimmers na kanya nang itinuring na tropeo sa kabila nang both ends meet sa resources. Buti na lang ay nakatuwang niya ang kanyang utol na si Manila Sports Council(MASCO) head Dale Evangelista at ng UNILAB.

Isang markado sa araw na iyon nang 'on the spot' matapos naka- gold medal sa kanyang dibisyon ay ginawaran kaagad siya ng swimming scholarship ng Emilio Aguinaldo College( EAC) at magiging varsity swimmer sa NCAA tungo sa elite o national pool at balang araw ay miyembro na ng pambansang koponan.

"Isa ito sa ating layunin,ang makatuklas ng talento na balang araw ay magbibigay na ng karangalan sa bansa. Bagama't di ganoon kadali ay nagsusumikap tayo sa ating noble endeavour for a cause,for the love of swimming",wika ni Darren na pinagpapasalamat sa Maykapal Ang mga biyaya tulad nito dahil silang magkaka- pamilya ay bahagi na ng kanilang buhay ang watersports.

“This swim meet is part of MASCO’s relentless campaign to uplift swimming development at the grassroots level. It is for everyone with ambition, ,” sambit niya.

“We are also thankful and grateful to those supporting us, especially Unilab Laboratories and Growee vitamins. With the help and support of the Philippine Sports Commission and MASCO, we are able to address the needs of our young swimmers.”aniya pa.

“A total of 70 Most Outstanding Swimmer (MOS) awards were given.