MATAGUMPAY NA HUMANITARIAN MISSION NG GIBFI / CLR 45 NI GOV./ CHAIR AGCAOILI SA SAN PABLO CITY

MISSION Accomplished ang Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI) at Central Luzon Region( CLR )45 ng The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles, Inc. sa isinagawang humanitarian outreach program sa Southern Tagalog.

NEWS

Danny Simon

1/21/20242 min read

MISSION Accomplished ang Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI) at Central Luzon Region( CLR )45 ng The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles, Inc. sa isinagawang humanitarian outreach program sa Southern Tagalog.

Dumagsa ang mga mamamayan sa Amante Gymnasium ng San Pablo City at nabiyayaan ng paglilingkod na libreng gamot, konsulta at feeding program sa mga bata , adults at senior citizens sa kabutihang loob ng pinuno ng GIBFI at CLR 45 na si Governor/ Chairman Rafael Agcaoili.

Ang naturang humanitarian activity na pinapurihan ni TFOE national president Ronald delos Santos ay sinaluduhan din ng international humanitarian watch at ang kanyang foundation na GIBFI na tumutulong na sa less fortunate na kababayan mula maralitang taga- lungsod hanggang sa kanayunan.

Inihandog din ng UN at Unesco - humanitarian advocacy awardee na si Agcaoili ang naturang noble project para kay Laguna Provincial Board Member Angelica Jones na ang birthday wish ay mapaglingkuran ang mga kababayan sa pamamagitan ng serbisyong libreng gamot, check up at feeding program para sa mga bata na tinupad ni Gov. Agcaoili pinuno ng GIBFI at CLR 45.

" Nakakapagod pero masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa natin. Ganito kami noon hanggang sa ngayon at sa hinaharap pa sa taong kasalukuyan", wika ni Agcaoili kasabay ng pasasalamat niya sa mga opisyal at niyembro ng mga GIBFI at Eagles Club pati mga Kapulisan, volunteers, standing bye rescue at medics group na nakaantabay lng sa labas ng venue.

Nakatokang isagawa ang susunod na medical at dental mission / feeding program sa Tarlac patungong Kabisayaan Ka-Mindanaoan sa sunod pang mga buwan.

GIBFI Chairman / CLR 45 Gov Rafael Agcaoili

Laguna Provincial Board Member (birthday celebrant) Angelica Jones.

Ready for distribution of medicines.(Photo by JO CALLUENG)