MATAGUMPAY NA MISYONG DENTAL NI PARAÑAQUE CITY COUN. APIONG DELA PEÑA SA SAMPALOC II BGY. BF

DUMAGSA ang higit sa limandaang residente sa covered court na nasa bisinidad ng Sampaloc Elementary School ang napaglingkuran sa ikinasa ni Parañaque City Dist. II Councilor Raffy 'Apiong' Dela Peña sa Bgy. BF ng nasabing lungsod.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

4/6/20242 min read

DUMAGSA ang higit sa limandaang residente sa covered court na nasa bisinidad ng Sampaloc Elementary School ang napaglingkuran sa ikinasa ni Parañaque City Dist. II Councilor Raffy 'Apiong' Dela Peña sa Bgy. BF ng nasabing lungsod.

Katuwang ni Konsi Apiong sa kanyang humanitarian advocacy na 'serbisyong balik sa tao'- Dental Mission Libreng Bunot ni Konsi Apiong, ang Purok5 Sampaloc II Youth Organization sa pangunguna ni Dencil Cornista,Abaca Youth Organization sa liderato ni Pres.Charles Kenn Roderos,Senior Citizens group ni Nanay Cora Yamio, maybahay ni Konsi Apiong na si Nurse Purple at team doctors/nurse niyang marubdob na naglingkod sa mga pasyenteng nabunutan ng ngipin mula sa mga bata, adults at senior citizens.

Dental Mission ni Konsi Apiong sa Sampaloc II Bgy. BF

Mga katuwang ni Konsi Apiong sa Dental Mission

Dagsa ang mga residenteng naserbisyuhan

Konsi Apiong, Mdam nurse Purple (left) at CS Lanie Endaya

"Tunay pong masarap sa pakiramdam ang naibabalik natin ang serbisyo sa tao kaya tuluy-tuloy ang ating misyong,medical dental ,surgical sa mga bata hanggang adults at ang physical consultation para sa mga mahal nating senior citizen nang libre. Welcome po lahat ng ating konstituwente at handa natin silang paglingkuran sa abot ng aking kakayanan", wika ni Parañaque Dist.II Councilor Raffy 'Apiong ' Dela Peña.

Tiniyak naman ni Nanay Cora ang kanilang palagiang pag-agapay sa mga proyekto ni Konsi Apiong bilang pagtumbas naman sa kany ang kanyang malasakit sa kanilang hanay ng senior citizens.

Naging mabilis naman ang serbisyo sa mga pasyente sa pagdagdag pa ng mga doktor at nurses ng Gng. Purple kung kaya ang naserbisyuhan ay lagpas pa sa kanilang ekspektasyon.

Sinabi rin ni Coun.Dela Peña Chief of Staff Lanie Endaya na ang kaganapan sa Sampaloc II ay bahagi lang ng long term humanitarian advocacy at kanyang iniimbitahan ang kanilang kalungsod na mangyari lang na tunghayan ang FB page ni Konsi Raffy 'Apiong' Dela Peña para ma-update sa mga susunod pang proyekto para sa tao ng butihing public servant ng Paranaque City.

Senior Citizen pres. Nanay Cora Yamio