Matagumpay na Philippine Encuentro Championship ng CFS sa Makati City

GINAPI ni Anderson LI ng Team China si Raymond Rasonabe ngTeam Philippines sa pamamagitan ng American arm bar sa 3rd round ng MMA event sa pagtiklop ng telon sa isa na namang matagumpay na edisyon ng Philippine Encounter Championship 42 ng Catalan Fighting System kamakalawang weekend sa CFS Gym sa Makati City.

SPORTS

Danny Simon

8/10/20251 min read

GINAPI ni Anderson LI ng Team China si Raymond Rasonabe ngTeam Philippines sa pamamagitan ng American arm bar sa 3rd round ng MMA event sa pagtiklop ng telon sa isa na namang matagumpay na edisyon ng Philippine Encounter Championship 42 ng Catalan Fighting System kamakalawang weekend sa CFS Gym sa Makati City.

Umabot sa kabuuang 29 bakbakan ang naitanghal sa mixed martial arts,sudokwan,boxing ,kickboxing,grappling kabilang din ang pagpapakitang gilas ng mga piling women fighters.

Sa Bout 28ng SUDOKWAN MAIN EVENT REMATCH, panalo si Terèso Torres ng Manahan MMA via split decision kontra Adrian Bulado ng AOJ Fitness Hub

Ang iba pang nagsipagwagi sa kaganapang inorganisa ni 2006 Doha Asian Games gold medalist Rene Catalan,Sr ay ang mga sumusunod; sa K1 main event, Darryl Quimbo sa Boxing main event .

Sa PHILIPPINE vs. KOREA, tinalo ni Shamcy Arce ng A Team RLIMA si Korean bet Angel Kang .

Angat din sinaSean Masangkay sa jiu jitsu,Cyrus Cabautan,Jerilen Java ng Iloilo,Charle Cabahug ng MMA,Jobil Quibes sa boxing match,Christian Lagunzad sa MMA,Jomar Dianito,John Carlo Bandido,Rhozen Pagdilao MMA,Earl Wayn Villones sa MMA,Jacob Gapul sa K1,Ricķy Almario sa K1,Vincent Gapul sa K1Jared Atienzą sa MMA,Nicolas Fajardo sa boxing,Daniel Cruz sa boxing Rex Lacbayen sa sudokwan habang dinaig ni Noàh Abion si Claudvic Berou sa boxing match kabilang na ang 5 pang undercards.

PEC,CFS CEO Rene Catalan,Sr.