MATAGUMPAY NA SPORTING GUNSHOW NG AFAD NATUPAD

DINAGSA ng libu-libong sporting gun enthusiasts ang ikalawang edisyon ng 29th Defense and Sporting Arms Show sa SMX Convention Center sa Pasay City na sumambulat nitong nakaraang Huwebes ( Dec.7) at magtatapos ngayong araw ng Linggo ( Dec.11).

SPORTS

Enjel Manato

12/9/20231 min read

DINAGSA ng libu-libong sporting gun enthusiasts ang ikalawang edisyon ng 29th Defense and Sporting Arms Show sa SMX Convention Center sa Pasay City na sumambulat nitong nakaraang Huwebes ( Dec.7) at magtatapos ngayong araw ng Linggo ( Dec.11).

Ang naturang exhibit ng mga de -kalidad na baril na lokal at imported, optikang gamit pang- sports at accesories ay bukas sa publiko na naglalayong palakasin ang gunsports at kaalinsabay nito ang responsableng pagma-may-ari ng armas.

" Panahon na para maging iba ang ating taunang kaganapan. Sa lalong madaling panahon, makikilala tayo hindi lamang bilang individual na mahilig humawak ng baril kundi ito' y pinag-isang industriya para sa kapakanan ng mga atletang Pinoy," pahayag ni Assiciation of Firearms and Ammunitions Dealers( AFAD) President Aric Topacio." Mananatiling aktibo ang ating mga atleta sa kumpetisyon at nakahanda ang AFAD na tulungang makakuha ng special permit kung kinakailangan."

Kabilang sa dumalo sa naturang arms show sina Senators Ronald 'Bato Dela Rosa at Mark Villar at mga top brass mula PNP at AFP.

Sina AFAD pres.Aric Topacio at Senators Ronald 'Bato de la Rosa at Marc Villar sa pagpapasinaya ng 2nd Defense and Sporting Arms Show sa SMX.( Photo by MENCHIE SALAZAR)

Ang pangunahing defense an sporting guns enthusiast na si Sen. Bato dela Rosa sa panayam. ( Kuha ni MENCHIE SALAZAR)