Matapos patalsikin ang Ateneo...NU BULLDOGS ABOT KAMAY NA ANG TAGUMPAY PARA SA UAAP MEN'S BASEBALL VS LA SALLE U.
NAGPAKITANG- GILAS SINA Herald Tenirio,Gio Gorpido at Kel Olazo ng National University upang maging instrumental sa pagpapatalsik sa Ateneo de Manila University,9-5 sa base ball semifinals ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 nitong weekend sa UP Baseball Field sa Diliman,Quezon City.
SPORTS
Danny Simon
4/15/20242 min read


NAGPAKITANG-GILAS sina Herald Tenirio, Gio Gorpido at Kel Olazo ng National University upang maging instrumental sa pagpapatalsik sa Ateneo de Manila University,9-5 sa base ball semifinals ng University Athletic Association of the Philippines Season 86 nitong weekend sa UP Baseball Field sa Diliman,Quezon City.
Kahit tangan ang twice to beat advantage,hindi na pinaabot pa sa game 2 ang bakbakan dahil sinakmal na agad ng Bulldigs ang Eagles para umentra sa finals na isang grandeng pagbabalik kung saan ang pinakahuli ay noon pang 2017.
On board agad anv Bulldogs sa bottom first pa lang mula sa single ni Maulit na naghatid ng 2 runs kasunod ang grounder ni Tenorio para sa isang run.
Si Bulldog Jerrick Timban naman ang tumawid sa second inning upang maging 4-2 ang maagang bahagi ng hatawan na dinagdagan pa ni Tenorio sa third frame.
Ang MVP na si pitcher MJ Carolino na halos ma-perfect ang performance sa mound maliban sa top 9th ay naka- strikeout ng siyam at walk na 4 upang masapawan ang losing pitcher ng Eagles na si Mykel Gabriel Francisco. Nanguna si Lorenzo Montemayor para sa Ateneo sa kanyang 2 RBI at 2 for 4 para sa losing cause ng Taft batters.


Coach Romar Landicho
"We are so proud of all the boys. Kitang -kita sa kanila ang dedication, focus and hardwork not only sa games but during our trainings as well. I give credit to my co-coaches as well sa support and wisdom na ini-impart nila sa mga bata.
I always remind the boys to push harder sa finals series because we are up against a strong team that is DLSU.Grateful din po kami sa support ng management, especially kina team manager Sir Wopsy Zamora at chief motivator Rey Sol",pahayag ni winning coach Landicho.
Haharapin ng Bulldogs sa kampeonato ang defending champion DLSU simula sa Huwebes.
" Abot-kamay na ang tagumpay.Eto na kami sa 2024!, pahayag ni Manager Zamora ns pinapurihan ang buong koponan (coaching staff at players) sa kanilang pokus at determinasyon upang matupad ang misyon sa UAAP 86 th season .


Team manager Wopzy Zamora
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato