MAY BRIGHT FUTURE NA HAHATAW PARA SA PHILIPPINE BASEBALL

SALADO at tunay na mahuhusay lang ang binubuo ng pambansang koponan sa men and women baseball na kayang makipaghatawan sa powerhouse at world caliber teams sa Asia.

SPORTS

Ni Danny Simon

11/15/20251 min read

SALADO at tunay na mahuhusay lang ang binubuo ng pambansang koponan sa men and women baseball na kayang makipaghatawan sa powerhouse at world caliber teams sa Asia.

Ayon sa dating miyembro ng national baseball team na si Charlie Labrador, mas malakas na mga manlalaro ang magrerepresenta sa bansa na ang panggagalingan ay mula sa collegiate at talent search na nadiskubre sa countryside na tunay namang komprehensibong programa ng bagong pamunuan ng Philippine Amateur Baseball Association(PABA).

“ Hindi lang dapat makuntento sa pagiging hari ng Southeast Asia ang barometro ng national team sa kasalukuyan , hihimayin ito ng pamunuan ng NSA sa baseball kaya ang misyon ngayon ay mapabilang sa top 4 sa Asia na posible namang mangyari”,wika ng kasalukuyang college baseball coach sa Bicol na si Labrador.

" Mission Asia na nga ang target ng pambansang koponan ng Pilipinas dahil sa rehiyon ng Southeast Asia ay wala nang katapat ang puwersa." ayon pa sa national team player , veteran pitcher na kabilang sa nakapag-ambag ng karangalan sa Pilipinas dahil sa pagiging perennial champion sa Southeast Asia at East Asia Cup.

Naniniwala din si Labrador na babalik ang crowd sa Rizal Memorial Baseball Stadium na pinipilahan sa box office noon ng fans dahil sa mga magagandang laro sa diamond.

Sa panayam ay ginunita rin ni Labrador kung paano napuno to the rafters ang RMBS noong 2005 SEAGames gold medal match sa pagitan ng Thailand vs Philippines kung saan ay napanatili ng Pinoy batters ang gintong medalya.

Ang baseball sa Asian continent ay dinodomina ng world caliber na Japan gayundin ng South Korea, Chinese Taipeh at China habang darkhorse ang Pilipinas na puwedeng sumilat o maka-upsèt ng panalo upang umentra sa magic four.