May most outstanding referee award ba sa sports?
Maituturing na pinakamahirap na role sa sports ay ang pagiging referee.
SPORTS
Atty. Ariel Inton
9/21/20241 min read


Maituturing na pinakamahirap na role sa sports ay ang pagiging referee.
Pero siya ang " authority" pagdating sa laro. Kahit superstar ka pa o milyonaryong player, ang pito ni ref ay dapat mong sundin.
Ganoon pa man pag may kontrobersiyal na tawag ay galit ng fans ang aanihin niya. Napakahirap talaga maging referee. Pero pag walang pipito sa laro, tiyak na magulo. Siguradong magtatalo-talo ang mga player.
Sa basketball pag walang referee sigurado gulo.
Bagamat puwede ring i- challenge ang desisyon ng refs, malimit sa mga tawag nila ay dapat sundin.
Ang sports officiating ay mahalaga upang ang laro ay hindi lamang maging maganda pero higit sa lahat ay patas. Ang panalo ay nababahiran kapag ang mga tawagan ay "luto".
Kaya dapat ay bigyang halaga ang sports officiating sa bansa.
May award ba na 'outstading referee' na binibigay ang mga award giving bodies? Ano mang laro yan kailangan ang referee.
Kayat sana ay may makapansin na Mambabatas o sports icon sa kanilang sakripisyo at magpanukala na magbibigay ng karagdagan recognition , benepisyo at proteksyon sa mga sports referee. MISMO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato