IN GOD WE TRUST
MAYOR BASTE DUTERTE PRESIDENTIABLE?
Kung sino man sa prosecution ang nag suggest na iprisentang hostile witness ang kapatid ni VP SARA na si Mayor BASTE sa impeachment court ay mukhang na underestimate niya ang mama.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
10/1/20261 min read


Kung sino man sa prosecution ang nag suggest na iprisentang hostile witness ang kapatid ni VP SARA na si Mayor BASTE sa impeachment court ay mukhang na underestimate niya ang mama.
Pagpasok pa lamang sa Senado, pagupo sa witness stand, tingin kay Cong. Benny Abante ay tila kuryente na ang prosecution.
Cool , straight forward, matalim ang mga sagot niya sa mga tanong ng prosecution at mga senator judges. Suma total walang napala ang prosecution sa testimonya ni Mayor BASTE.
Pero mukhang na pakilala lamang nila ang posibleng pumalit bilang presidential candidate kung ma convict si Ate.
Pero sapat na ba ang nakita ng tao sa impeachment trial para sabihin na magiging magaling na presidente si Mayor BASTE?
Hindi. Pero sapat na ito para magkaroon ng pagasa na ma convict man si VP SARA at hindi makatakbo sa 2028 ay may kandidato pa rin na pananagutin ang mga sangot sa flood control scam lalo na ang mastermind nito.
Ito marahil ang sinasabi ni Atty. Florin Hilbay, dating Solicitor General, 1999 BAR Exam no. 1, at hindi DDS Lawyer na "careful for what you are wishing for " na mas mainam na talunin na lamang ng mga galit kay Sara ang bise presidente sa 2028 kaysa sa daarin sa impeachment para ma disqualify siya sa pagtakbo bilang pangulo.
Dahil hindi lang si VP SARA ang puedeng itapat kahit sinong kandidato ng kalaban. Baka lumabas pang mas malakas pa ang papalit.
Destiny daw ang maging presidente.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
