MAYOR ENTENG CAVINTI NG LAGUNA NANGUNGUNA!
ILANG tulog na lang ay sasapit na ang sandali ng katotohanan.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
5/8/20252 min read


ILANG tulog na lang ay sasapit na ang sandali ng katotohanan.
Lahat ng direksyon ay patungong presinto ng halalan pang - midterm sa Mayo 12, 2025.
Ihahalal sa araw na iyon magmula sa posisyon ng Senador sa national level pababa hanggang Kongresista,Party List, Gobernador, Bokal. Mayor, Vice Mayor at Councilors sa lokal.
Sa bayang Cavinti sa lalawigan ng Laguna ay tumatakbong Alkalde ng bayan ang ating kaisport at ka-uppercut na si Bethoben Principe ' Enteng' dela Torre.
Aniya , panahon na upang maiba naman ang liderato sa Cavinti na matagal nang natengga ang kabuhayan at asenso ng pamayanan kaya aniya ay panahon na para mapalitan ang mga nagpayaman ng husto sa puwesto at napabayaan ang mga konstìuwente mismo.
Narito ang Liham Pakiusap Para sa suporta at mensahe ni Mayorable Entèng sa nalalapit na halalan para sa kanyang kabalwarte:
"SA AKING MGA MAHAL NA KABABAYAN:
Mapagpala at magandang araw po sa inyo!
Ako po ang inyong kababayan Bethoven “ENTENG” Principe Dela Torre, ay buong pagpapakumbabang humihiling ng inyong suporta, gayundin ng agapay ng inyong pamilya, kamag-anak at kaibigan para sa aking muling pagtakbo, bilang Alkalde sa darating na halalan, sa Mayo 12, 2025.
Ilang beses na po ako kumandidato bilang Punong Bayan, ayon sa hiling ng ating mga kabayan. Sa mga nagdaang panahon na aking pakikisalamuha sa mga taga Cavinti, patuloy po ang mga hinaing sa mga serbisyo at pagawain ng bayan, na matagal nang inaasahan. Marubdob po ang aking layunin na maitaguyod ang kalagayan at kabuhayan ng ating mahal na bayan. Naniniwala po ako na may sapat na mapagkukunan at pamamaraan, upang maipatupad ang mga proyekto para sa maayos na Patubig, Pailaw, Paghahanap -buhay gaya ng pagsasaka, palaisdaan, paghahalaman, pag-aalaga ng hayop, pangangalaga sa kapaligiran, kalusugan, kapayapaan, edukasyon, pag-aayos ng lupain, pagpapaunlad ng turismo, pagakakaisa at kapatiran.
Batid ko po na sa pagtutulungan ng bawat isang may mithiin para sa ating bayan ng Cavinti, at sa pagkakaroon ng matapat at masigasig na pamunuan, tunay na maisasakatuparan ang mga proyektong hiling ng ating mamamayan. Mayroon pong mga buwis mula sa kaban ng National at Local na pamahalaan, na nakalaan sa lahat ng mga ito, gayon din ang mga tulong mula sa mga tao at organisasyon na may mabuting kalooban. Kailangan lang po ng tunay at maayos na pamamahala, upang makipag ugnayan, makalap, mapagplanuhan at maibalik ang serbisyo sa bayan at mamamayan.
Muli po sa pagkakataong ito, ako ay taos-pusong humihiling ng inyong pagtitiwala at napakahalagang suporta, upang maipagpatuloy ang mga nasimulan nating programa para sa higit na kaunlaran ng ating bayan. Ang aking hangarin na muling maibalik ang sigla ng bayan, at ngiti ng mga Cavinteño, ay ating makakamit sa pamamagitan ng sama sama at tulong tulong na suporta mula sa ating lahat.
Kung ako po ay papalarin, makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat sa abot ng aking kakayanan, upang mapamahalaan ng tapat at masigasig ang ating minamahal na kababayan sa bayan ng Cavinti.
Maraming salamat po sa inyong oras, pag-unawa, at walang sawang serbisyo sa ating komunidad. Nawa’y pagpalain po tayong lahat ng ating Panginoon", ani dela Torre.
Lubos na gumagalang,
BETHOVEN P. DELA TORRE
Kandidato sa Pagka-Alkalde
Cavinti, Laguna
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City