MAYOR MICHAEL KEON OPTIMISTIKONG BABALIK DIN ANG GLORYA NG PHILIPPINE SPORTS
KASALUKUYANG nasa Maynila ang living legend na dating pinuno ng Philippine Sports na si Michael Keon.
SPORTS
Enjel Manato
12/19/20231 min read


KASALUKUYANG nasa Maynila ang living legend na dating pinuno ng Philippine Sports na si Michael Keon.
Siya ang tanyag na project director ng Gintong Alay noong dekada '80 na nag-produce ng mga bayaning atleta ng bansa tulad ni Asia's sprint queen ( late) Lydia de Vega, Isidro del Prado, long jump queen Elma Muros , steeplechase king Hector Begeo atbp. sa athletics.
SI Keon, pamangkin ni dating Pangulong (late) Ferdinand E. Marcos at pinsan ni PBBM, kasalukuyang Mayor ng Laoag City sa Ilocos Norte ay nakadaupang-palad kahapon sa get together ni Mayor ang mga matagal na nìyang ka-isport sa national media sa Pasig City.
Sinamahan ng tanyag na sportsman/ leader ang kanyang mga kabataang atleta ng Laoag City na sumasabak sa grassroot na palaro ng PSC na Batang Pinoy Nationals.
Sa kaswal na katanungan, sinagot ni Keon kung paano matatapatan o lagpasan ng mga kasalukuyan lider ng sports ang pormula niya noong kanyang panahon.
Sinabi ng dating Gintong Alay director at POC top brass na ibalik ang training camp sa Baguio, disiplina at kumuha ng serbisyo ng foreign coach sa halip na magpokus sa pag-recruit ng Fil-American players partikular sa athletics.
Advantage noon ay both Gintong Alay at POC ay siya ang may timon kaya walang puwang ang pulitika para mapigil o ma-delay ang development ng pambansang sports bukod sa pagiging pamangkin ng Pangulo ng bansa kaya mabilis na naiimplimenta ang mga dapat na gawin sa ikasusulong ng sports sa bansa.
Dahil bahagi ng kanyang buhay ang larangan ng sports, optimistiko si Keon na kayang bumalik ang glorya ng sports at naniniwala siyang napakaraming talentong Pilipino ang dapat na madiskubre upang sa hinaharap ay maging bayani na sila at makapagbibigay ng karangalan para sa bansa.
Dalawang malalaking sports event ang nakatakdang i-host ng Laoag City sa pagpasok ng taong 2024 hanggang summer.
Si dating Gintong Alay Project Director at kasalukuyang Laoag City Mayor Michael Keon sa kanyang ipinatawag na press conference/get together with longtime sports media friends kahapon sa Estancia Pasig City. (kuha ni MENCHIE SALAZAR)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato