MEDICAL MISSION/ FEEDING PROGRAM SA SAN PABLO CITY NG GIBFI AT CLR 45 NI CHAIRMAN/GOV. AGCAOILI
MULING magdaraos ng humanitarian program ang tanyag na pilantropo/civic leader Chairman / Governor Rafael Agcaoili para sa mga bata, adults at senior citizens.
NEWS
Danny Simon
1/19/20242 min read
MULING magdaraos ng humanitarian program ang tanyag na pilantropo/civic leader Chairman / Governor Rafael Agcaoili para sa mga bata, adults at senior citizens.
Buong puwersa ang Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.( GIBFI) at Central Luzon Region (CLR) 45 na parehong pinamumunuan ni humanitarian at philantropic- UN awardee Agcaoili upang isakatuparan ang isa na namang makataong adbokasiya na GIBFI/ CLR 45 ng The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles, Inc. Medical Mission / Feeding Program na aarangkada ngayong weekend sa Southern Tagalog.
Inaasahan ang pagdagsa ng nasa 5,000 pamilya sa San Pablo Central School Gymnasium sa San Pablo City, Laguna sa Enero 20, 2024 na magsisimula sa ganap na ika-9:00 ng umaga.








Ang naturang kaganapan ay handog din ng liderato ng GIBFI at CLR45 sa pagdiriwang ng kaarawan ni Laguna Provincial Board Member Angelica Jones na ang birthday wish niyang mapaglingkuran ang kababayan ay tinupad ni champion philanthropist Agcaoili.
Tutupad din ng kanilang kaukulang community service ang mga aspirante ng GIBFI at eagles club ng CLR 45 sa nabanggit na lungsod sa Laguna na isang moral nq pagsubok para sa kanilang pagiging lubos na Agila.
"Tulad ng mga matagumpay nating misyon nitong nakaraang taon partikular sa Abra,Talisay sa Negros Occ., San Enrigue at Passi City sa Iloilo at ang nakaraang buwan lang na misyon sa Mangatarem, Pangasinan, inaasahan natin ang smooth at maayos nating pagdaraos ng makataong adhikain sa Laguna sa kooperasyon ng LGU's at mga mamamayan na rin ," pahayag ni businessman/ civic leader Rafael Agcaoili.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato