MEGA HUMANITARIAN MISSION NI FLM SA PEÑABLANCA, CAGAYAN INAABANGAN SA FEB. 25-26'24

MAY parating na biyaya sa lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Peñablanca.

NEWS

Danny Simon

2/15/20242 min read

MAY parating na biyaya sa lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Peñablanca.

Nasa 200,000 katao ang tiyak na makatatanggap ng humanitarian na serbisyo mula sa isang personaheng ang bisyo ay makatulong sa tao sa abot ng makakaya nito.

Ang Team FLM sa pangunguna ni Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD ay nakatakdang mag - touchdown sa Peñablanca sa Pebrero 25 upang paglingkuran ang mga mapalad na Cagayanos hanggang Pebrero 26.

Ang pagdating ng Team FLM ni Doc Marcos na katuwang sina Filipino Family Club International (FFCI) Worldwide president Dong Batalan, Lemmor CreAtion at iba pa ay ihu-host ni Peñablanca Mayor Washington Taguinod at ang kampeong humanitarian advocator/bayani ng pandemya na si FLM ay pinananabikan na ng mamamayan doon di lamang ang inaasahang biyaya kundi ang makita siya up close and personal.

Libreng konsulta medical, optical at dental habang hundreds of wheelchairs, gamot, salamin sa mata, cash, pabigas at iba pa ang ipagkakaloob sa mga taga-Peñablanca at may bonus pa para sa mga mapipiling estudyante ng bawat barangay na mabibigyan ng Smart mobile phones na magagamit sa pag-aaral at ma-improve ang kanilang communication skills.

" Matapos ang ating matagumpay na mega humanitarian mission sa Isabela, ilan tulog na lang naroon na tayo sa Penablanca para sa ating operation tulong - bigayan sa Cagayan. This is a big one!", wika ni civic leader Dr. Francis Leo Antonio Marcos kasabay ng kanyang pasasalamat kay Mayor Taguinod na siyang punong-abala sa Team FLM para mapaglingkuran ang kanyang constituents.

Sinabi pa ni Apo Francis na matapos ang kanilang sorties sa norte ay bababa sila sa kapatagan ng Central Luzon pagkatapos ay sa NCR deretso ng Timog Katagalugan, Kabikulan, Kabisayaan at Kamindanaoan.