MEGA HUMANITARIAN MISSION SA PEÑABLANCA, TEAM FLM CAGAYAN - BOUND NA!

NGAYON na ang sandali ng katotohanan sa lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Peñablanca.

NEWS

Danny Simon

2/24/20242 min read

FLM

NGAYON na ang sandali ng katotohanan sa lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Peñablanca.

Nakaabang na ang higit 200,000 kataong Cagayanos na tiyak na makatatanggap ng humanitarian na serbisyo mula sa isang nilalang na ang bisyo ay makatulong sa tao sa abot ng makakaya nito.

Ang Team FLM sa pangunguna ni Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD ay te-takeoff na at nakatakdang mag- touchdown sa Peñablanca ngayong araw ng Linggo (Pebrero 25) upang paglingkuran ang mga mapalad na kababayan sa Norte hanggang Lunes (Pebrero 26).

Ang pagdating ng Team FLM ni Doc Marcos sa kasama sina Filipino Family Club International (FFCI) Worldwide president Dong Batalan, DJ Lemmor CreAtion, Bhon Bhon,Bennox at iba pa ay ihu-host ni Peñablanca Mayor Washington Taguinod at ang kampeong humanitarian advocator/ bayani ng pandemya ay pinananabikan na ng mamaamayan di lamang ang inaasahang biyaya kundi ang makita siya up close and personal.

Sandamakmak na serbisyo na makatao,libreng konsulta medical ,optical at dental habang daan-daang wheelchairs, kahun-kahon na gamot, salamin sa mata,cash, pabigas at iba pa ang ipagkakaloob sa mga taga-Peñablanca at may bonus pa para sa mga mapalad na mapipiling estudyante ng bawat barangay na mabibigyan ng Smart mobile phones na magagamit sa pag-aaral at ma-improve ang kanilang communication skills.

" Matapos ang ating matagumpay na mega humanitarian mission sa Isabela ,ilang oras na lang ay naroon naman tayo sa Penablanca para sa ating operation tulong -bigayan sa Cagayan.This is a big one!", wika ni civic leader Dr. Francis Leo Antonio Marcos kasabay ng kanyang pasasalamat kay Mayor Taguinod na siyang punong-abala sa Team FLM para mapaglingkuran ang kanyang constituents katuwang ang mga boluntaryong magbayanihan sa mga kababayan.

Di birong salapi ang kanyang ipamumudmod sa mga taong naroon mula sa bayaning ang puso ay sadyang ubod ng wagas at napakalugod.

Tiniyak din ni Apo Francis na matapos ang kanilang sorties sa norte ay bababa sila sa kapatagan ng Central Luzon pagkatapos ay sa NCR deretso ng Timog Katagalugan, Kabikulan,Kabisayaan at Kamindanaoan.