Melbourne chess tourney...GOOD START NINA GM ANTONIO AT IM BAGAMASBAD

Nagparamdam agad ng lakas sina Grandmaster (GM) Rogelio "Joey" Antonio Jr. at International Master (IM) Jose Efren Bagamasbad sa pag poste ng panalo at tabla sa opening round ng Melbourne International Open 2025 nitong Lunes , Abril 7, 2025 na ginanap sa Melbourne Chess Club sa Melbourne, Australia.

SPORTS

Danny Simon

4/7/20251 min read

Nagparamdam agad ng lakas sina Grandmaster (GM) Rogelio "Joey" Antonio Jr. at International Master (IM) Jose Efren Bagamasbad sa pag poste ng panalo at tabla sa opening round ng Melbourne International Open 2025 nitong Lunes, Abril 7, 2025 na ginanap sa Melbourne Chess Club sa Melbourne, Australia.

Tangan ang puting piyesa ay tinalo ng 63 years old Antonio kontra si FIDE Master Ray Yang ng Australia sa 41 moves ng Caro Kann defense, two knights variation.

"The first round is one of the toughest rounds in any tournament. It usually sets the tone of how you're going to perform," sabi ni Antonio.

Sa panig ng 68 years old Bagamasbad, hawak din ang puting piyesa ay nakipaghatian ng puntos kontra kay Candidate Master Rheyansh Reddy Annapureddy ng Australia sa 77 moves ng Sicilian defense, Rossolimo variation.

"We hope to perform well in this event and gain some Elo rating points," dagdag ni Bagamasbad.

Ang kampanya ni Antonio sa Australian Chess Circuit ay suportado ng Philippine Sports Commission, Senator Manny Pacquiao, Col.Jaime Osit Santos, David Almirol at Bert Cunan habang ang kampanya naman ni Bagamasbad sa Australian Chess Circuit campaign ay suportado ng Quezon City government sa magiting na pamumuno ni Mayor Joy Belmonte at ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman at CEO Alejandro “Al” Tengco.

Sina Antonio at Bagamasbad na parehong residente ng Quezon City ay masisilayan din sa 2025 O2C Doeberl Cup Chess Tournament sa Canberra mula Abril 17 - 21 2025, at ang Sydney International Open 2025 sa Sydney mula Abril 23-27, 2025.

Sina Antonio at Bagamasbad ay kakatawan sa bansa sa FIDE (World Chess Federation) World Seniors Chess Championship sa Oktubre 20 hanggang Nobyembre 2, 2025 sa Gallipoli, Puglia, Italy.

International Master (IM) Jose Efren Bagamasbad