Mensahe ni PBBM sa mga bagong halal na Bgy. at SK officials: Maging tapat sa lahat ng oras
BUONG lugod na binabati ni Pang. Ferdinand "Bong bong" Marcos Jr. ang lahat ng mga bago at muling nahalal na punong barangay at Sangguniang Kabataan officials.
NEWS
11/3/20231 min read


BUONG lugod na binabati ni Pang. Ferdinand "Bong bong" Marcos Jr. ang lahat ng mga bago at muling nahalal na punong barangay at Sangguniang Kabataan officials.
Hinimok ni Pangulong Marcos ang mga nahalal na opisyal na maging tapat sa lahat ng oras.
Payo ni Pangulong Marcos, unahin lagi ang kapakanan ng mamamayan na siyang dahilan kung bakit gustong magsilbi ng mga nahalal.
Batay sa ulat na natanggap ni Pangulong Marcos mula kay Commission on Elections chairman Erwin Garcia, naging maayos ang katatapos na BSKE kaya naman nagpasalamat ito sa mga tumulong.
Binigyang -diin ni Marcos ang kahalagahan ng barangay officials na aniya'y siyang kaharap ng mga tao sa araw-araw.
Silang mga opisyal aniya ang tinatakbuhan para makatulong sa mga problema.EM
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato