IN GOD WE TRUST
Mga bansang powerhouse sa combat sports..HANDA NANG LUMABAN SA 2026 PH WORLD SUDOKWAN
Kumumpirma na kahapon ng partisipasyon ang mga bansang powerhouse sa larangan ng martial at combat sports para sa ihu-host ng bansang 1st World Sudokwan Championship na sasasambulat sa Mayo 20-24,2026.
SPORTS
Ni Danny Simon
1/15/20261 min read


Kumumpirma na kahapon ng partisipasyon ang mga bansang powerhouse sa larangan ng martial at combat sports para sa ihu-host ng bansang 1st World Sudokwan Championship na sasasambulat sa Mayo 20-24,2026.
Ayon kay Sudokwan Association of the Philippines founder/ president Rene Catalan ,Sr., nauna nang nag - confirm ang USA, kasunod ang Germany,Australia, Mexico, South Africa, Vietnam, Indonesia, Sri Lanka, India, UAE, Korea,punong-abalang Pilipinas at iba pang bansa mula South America.
Sinabi pa ng dating gold medalist ng Asian Games Doha 2006 at pinuno ng Catalan Fighting System na si Rene Sr. na hinihintsy na lang ang kumpirmasyon pa ng HongKong, Macau, Laos, Singapore, Timor Leste at Myanmar.
“ It’s all systems GO na.Sa dami ng bansang lalahok sa ating unang hosting ng World Sudokwan , ngayon pa lang ay dama na natin ang dambuhalang tagumpay sa higanteng kaganapan sa larangan ng combat sports na dito sa Pilipinas mismo masasaksihan ng buong mundo. Tulung- tulong lang para sa huge success na kayang mag- host ng bansa ng isang prestihiyosong world event tulad nito,” sambit ng SEAGames multi-medalist din at Ph Encuentro founder Catalan kalakip ng pasasalamat niya sa todo suporta ni Senate Committee on Sports head Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go at sa insasahang basbas ng Philippine Olympic Committee ( POC)at Philippine Sports Commission(PSC).
Magkakaroon naman ng qualifying tournaments na barometro ng Philippine team selection sa Pebrero at Abril bago ang main show sa Mayo.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
