MGA PBBM APPOINTEE SA PSC

AKALA siguro ng maraming appointees ng kasalukuyang administrasyon ay matayog na sila above the rest sa kanilang pedestal kaya di na ma-reach ng mamamayang pinanggagalingan ng kanilang sahod.

OPINION

DANNY SIMON

6/19/20242 min read

AKALA siguro ng maraming appointees ng kasalukuyang administrasyon ay matayog na sila above the rest sa kanilang pedestal kaya di na ma-reach ng mamamayang pinanggagalingan ng kanilang sahod.

Pansamantala lang naman kung anumang mataas na posisyong hinahawakan dahil nombrado at co-terminous ng Pangulo.

Sa PSC, ilang Chairman na ang namuno sa naturang sangay pang-sport ng pamahalaan.

May mahusay, may mababang loob at madali lapitan, may konyo at may sobrang taas ng kilay at noo at ni ayaw nang tumingin sa baba, harap, kanan o kaliwa.

Gayundin ang mga nanonombrahang commissioners. They come and go, minsan di pa nga nakukompleto ang termino habang tayo na nasa media group ng kumisyunado ay patuloy pa ring kumokober ng mga kaganapan sa Philippine Sports Commission noon, ngayon, bukas at parating pang bagong administrasyon.

Nang manalo bilang Pangulo si PBBM, na-appoint op kors un mga kilala o inginuso kay Apo Presidente. Di baleng bano sa pwesto basta kadikit ng Pangulo.

Meron namang ninombrahan dahil sa paging medalist sa international competitions na akala ay ang managerial position ng collegial body ay peanuts lang na gampanan, may tinanghal na dating jorno na tsokaran ng ngumuso sa ating pinuno at pati na dating basketbolista (siya nagkapangalan) ay commissioner na ang manekti na dating pointguard).

Sabi ng ating kabigwas sa ahensiya, mula taas pababa pati E.D. at media relations office ay mahirap ma-reach samantalang kaya sila andun ay para magsilbi sa sports community para sa bayan.

Napatunayan ito ng ating colleague na naisip mag-kortesiya sa matagal nang kakilala dahil sa basketbol matapos ang kada-Martes na PSA sports forum ay umakyat ito sa 4th flr. office nito sa admin building ng PSC.

Noong mga unang araw na mapuwesto ito ay sobrang accomodating sa mga bisita.

Pero nang lumaon, ugaling konyo na siya, suplading at di na siya makamasa.

Gulat si kabigwasan, kwento niya ay litaw na ang tunay na ugaling 'can not be reach' ng 'kume.

Dumaan lang sa harap niya ang commissioner friend pero not even a couple of seconds ay tumigil para bumati dahil meron daw silang board meeting.

Naiwang tulala si kabigwas sa opisinang iyon na boarding house lang naman ng mga appointee ng bawat administrasyon.

Yuyuko din pag may time. Wag puro adobong nok'ma, mag To'PRITS din at 'any-how...MISMO!

Limitahan din ang viaje dahil di tulad ni El Presidente na imbestor ang factor (kuno) sa mga kalakal bawat puntahang kontinente. INTIENDE?!

Lowcut: Special shoutout sa isang kaisport natin na very supportive sa mga adhikaing pang-sports sa grassroot level partikular sa mga kabataang basketbolista kaya hats off ang UPPERCUT kay Ar Jayzee Gudelano Celestial ng JC2 Slashers. More victories Bos ARKI!