Mga residente nagpasalamat kay FLM sa kanyang 'Pabigas sa Comillas!'

NABIYAYAAN ng grasyang bigas ang nasa isandaang pamilya sa Brgy. Comillas, La Paz, Tarlac nitong nakaraang weekend.

OPINION

Danni Simon

1/8/20242 min read

NABIYAYAAN ng grasyang bigas ang nasa isandaang pamilya sa Brgy. Comillas, La Paz, Tarlac nitong nakaraang weekend.

Laking tuwa at sorpresa ang bumulaga sa mga residente ng barangay Comillas partikular sa Purok Tagumpay at Paraiso sa kaban-kabang primera klaseng bigas na handog ng pamosong Filipino Family Club International

(FFCI) Inc. Worldwide founder ,civic leader at humanitarian awardee Francis Leo Marcos na inihatid personal ni FFCI worldwide president Dong Batalan sa pamamagitan ng event host na inyong lingkod, taal na taga- Comillas na naka-base sa Maynila.

Luha ng pasasalamat at galak ang nasaksihan ng korner na ito,ni Ka Dong Batalan at katuwang sa pamamahagi na sina Clarita Dimayuga ng FFCI Laguna,officer Roseller Glinoga at Kuya Sonnie Aguilar Jr. na di alintana ang init ng panahong dinaig ng init ng pagtanggap at pasasalamat ng mga nabiyayaan gayundin ang mga umaasang makakatanggap sa susunod na Pabigas sa Comillas, La Paz ni champion philantropist FLM.

"Maraming salamat po sa sugo ng kabutihan Ginoong Francis Leo Marcos!, puso, pagtulong at pag-asa!," sabay-sabay na sigaw ng mga pamilyang naroon at dumagsa sa sorpresang kaganapan tampok sina Koyang Ely Laxamana na naka-wheelchair dahil sa pagka-stroke at diabetic ang kalagayan na tumanggap ng isang kabang dinoradong bigas mula kay Francis Leo Marcos gayundin ang biyudang si Gng. Remy S.Silva at si Gng. Becca S.Mateo na ang partner sa buhay ay nagpapagaling mula stroke. Mga pamilyang hikahos at nakatira sa bisinidad na binansagang 'iskwater' ng barangay ay buong displina at maayos naman ang naging sistema ng kanilang pagtanggap sa pamamahagi na ikinagalak ng kinatawan ni FLM na si FFCI prexy Batalan.

" Nakakabilib naman at saludo tayo sa disiplinang ipinakita ng mga residente dito sa sandali ng pamamahagi,

walang unahan at tulakan para makapuwesto at mahusay ang crowd control. Salamat kuya Danni!", pahayag ni FLM team leader Dong Batalan.

Optimistiko naman ang ka-barangay na babalik ang team FLM upang namnamin ang tamis na dulot ng paglilingkod ng tinaguriang bayani ng pandemya at kampeon ng humanitarian advocacy na si Francis Leo Marcos.

"Nakakapagod pero ang sarap ng pakiramdam ang makatulong sa kapwa sa payak na pamamaraan" sambit ng inyong kakorner sa tropang FLM matapos ang kaganapan.

"Feeling of a good samaritan. Nararamdaman ko yan sa araw-araw na ako'y nakatutulong sa ating kababayan." tugon naman ni FLM na buong kagalakang itinanghal ang tagumpay ng kanyang "pabigas sa Comillas" kasabay ng kanyang pasasalamat din kay Se Mi Di Speranza Foundation Chililita Cabatingan ng Cebu.

Lowcut:Shoutout sa mga umasiste rin sa ating naging special event sa Tarlac na miyembro ng ating pinamumunuang Golden Dragon Eagles Club ng CLR45 na sina Kuya Raul Garcia,Kuya Rasid S.Salendab, mga Ate na sina Alma M. Salendab, Carmen Garcia at Esmi Fahamia Josen. TONITE PoliceFiles at GILAS News sa Media Coverage at kudos to Kuya Dj Le'mmore at kina FFCI Admin Alyssa Dee at FFCI head Sameera Aguilar. We shall return!

Francis Leo Marcos