IN GOD WE TRUST
MGA TRIBU SA BANSA UMAAKLAS NA
ISANG 'show of force' na ang ipinamalas ng mga tribu mula Central Luzon nang sila ay lumusob sa University ot the Philippines Diliman campus sa Lungsod Quezon upang ipanawagan sa administrasyon ang radikal na pagbabago sa liderato ng National Commission for Indigenous People (NCIP).
OPINION
DANNY SIMON
8/23/20262 min read


ISANG 'show of force'na ang ipinamalas ng mga tribu mula Central Luzon nang sila ay lumusob sa University ot the Philippines Diliman campus sa Lungsod Quezon upang ipanawagan sa administrasyon ang radikal na pagbabago sa liderato ng National Commission for Indigenous People (NCIP).
Mayorya sa kanila ay mga IP's na galing Capas ,karatig- Bamban hanggang Pampanga tungong Norte habang ang mga taga -Visayas at Mindanao ay sumuportang. moral na nagpapataas sa adrenaline ng mga tribung ang klamor ay mapalitan ang ninombrahan ni PBBM na pinuno ng NCIP.
Anila ay walang anumang konkretong proyekto para sa kanilang kapakanan ang NCIP head na pinalala pa ng ora- oradang pagkamkam ng mga lupain ng mga intruderong walang pakialam at walang kortesiyang basta pumaosok sa kanilang lupaing kaloob na sa tribu since time in memoriam.
Pinakamalakas ang tinig ay si United Indigenous Peoples of Luzon Visayas and Mindanao( LuzViMinda) Chairman Datu Dalampangan Enrique Gavileno upang iparating sa kinauukulan ang kanilang hinaing.
" Kami ng mga katutubo Luzon ,Visayas at Mindanao ,hindi namin naramdaman ang ginagawa ng NCIP para sa amin, kung ano ang programa na para sa IP na dapat ay pangunahan nila na magkaisa lahat ng mga katutubo.
Nasa Section 7 ng IPRA Law ang right to ancestral domain na tayong katutubo ay karapatan natin yan.Pero pilit na i- landgrab ng mga me salapi at kapangyarihan, mga politician kasama ang mga tao sa ahensya ng gobyerno masakit dito 'tung bagong appoint ni Pangulo sa NCIP nais niyang tanggalin ang ating customary law pre and prior at siya na lang ang magdedesisyon at hindi na kailangan ipaalam sa amin ang mga desisyon ,anong klaseng leader siya? Di nga alam ng Pangulo kung may clearance siya sa Ombudsman.
Dapat malaman ng chairperson na "walang NCIP kung walang IP" kaya di siya dapat nagsasamantala sa puwesto sa opisina nating katutubo ,atin ang inookoupahan niyang opisina. Yung mga malaking desisyon na may kaugnayan sa IP tulad ng program ng Pax Silica sa Capas ay di kami kinonsulta na isang maliwanag na pambabastos sa tribo," wika ni Datu Dalampangan." Di kami tutol sa devopment ng pamahalaan para sa bansa pero dapat ay ang kaukulang respeto ay ipinagkakaloob sa amin " dagdag pa ni Gavelino.
Ayon pa sa dating kawani ng FM adminstration ni Apo Lakay Marcos, matibay ang pundasyon ng kanilang suporta kay PBBM kaya marapat lang na maka- Katutubo ang bawat desisyon ng NCIP chairperson.
Ang IP's sa buong bansa ay humigit - kumulang sa 18 milyon.


SENTRO ng talakayan sa GilasNews PFT channel nitong weekend ang nagbabagang isyu ngayon kaugnay ng liderato ng NCIP na hinahanapan na ng konkretong resulta para sa kapakanan ng mga tribu sa bansa. Nasa larawan si United Indigenous Peoples of Luzon,Visayas and Mindanao (LUZVIMINDA) chairman Datu Dalampangan Enrique Gavileno, ( nakaupo kaliwa), kasama sina correspondent Datu Alexander Pingol, IP Bai Divine at journalist Danny Simon.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
