MGA UNIPORMADO SUGOD-BAHAY KAY FLM

LAKING tuwa ng mga unipormadong security guards ng isang high end subdivision sa Metro Manila matapos na sila ay anyayahan sa mansion ng tanyag na pilantropo sa katauhan ni Dr. Francis Leo Antonio Marcos De Hum Honoris Causa PhD.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

7/8/20241 min read

LAKING tuwa ng mga unipormadong security guards ng isang high end subdivision sa Metro Manila matapos na sila ay anyayahan sa mansion ng tanyag na pilantropo sa katauhan ni Dr. Francis Leo Antonio Marcos De Hum Honoris Causa PhD.

Si FLM, binansagang pandemic hero, humanitarian champion na buwan-buwan ay nagsasagawa ng medical at optical mission sa lalawigan mula Mindanao, Visayas at Luzon ay biniyayaan ng ayuda ang mga guwardiya ng subdivision na mga personaheng malapit sa kanyang puso.

"Kahit abala ako sa aking humanitarian mission sa mga lalawigan ay tinitiyak kong di ko kakalimutan ang mga taong abot-kamay ko lang at napakalaki ng papel na ginagampanan upang alagaan, pagmalasakitan at bantayan ang mga tahanan dito sa aming lunduyan" wika ni FLM.

Kamakailan ay nairaos nang matagumpay ng batang Marcos ang Isa sa pinakamalaking humanitarian mission sa bayan ng Ramon , probinsiya ng Isabela sa Norte katuwang ang FFCI Worldwide na pinamumunuan ni Pres.EO Batalan,Semi Di Speranza Foundation ni Chili Tita Cabatingan mula Cebu kaagapay ang Ramon LGU at ng tropang Bhon Bhon at Benedict.

Nakahanda na rin ang mga kasunod na medical at optical mission ni FLM pababa sa kapatagan ng Central Luzon tungong NCR tuloy sa Katagalugan, Kabikulan, Kabisayaan hanggang Kamindanaoan.

Ang promotor ng 'Mayaman Challenge' noong panahon ng pandemya ay namimigay ng libreng salamin at konsulta sa mata, smart phone, medical check up, wheelchairs, pabigas at cash sa mga mapapalad na receipients sa mga lugar na inaabot ng kanilang humanitarian mission.

Dr. Francis Leo Antonio Marcos De Hum Honoris Causa PhD.

Security guards na nakatanggap ng ayuda mula kay homeowner FLM.