IN GOD WE TRUST
'MIDAS TOUCH' NI MANAGER DANNY ESPIRITU
TUNAY na may angkin at subok nang 'MIDAS TOUCH"power ang numero unong super manager ng mga manlalaro na si Danny Espiritu.
SPORTS
DANNY SIMON
11/1/20262 min read


TUNAY na may angkin at subok nang 'MIDAS TOUCH"power ang numero unong super manager ng mga manlalaro na si Danny Espiritu.
(The Midas Touch is an idiom that describes a person's uncanny ability,effortless to turn any business venture project or investment into a massive financial success.)
Ang pamosong tatlong dekada nang super player's manager na si " Boss Danny E"ay pangarap ng lahat ng basketball players na mapansin o mapasakamay sa kanyang timon ang kanilang karera tungo sa ambisyong tiyak na matutupad agad-agad.
Kapag si boss manedyer ang gumiya sa direksyon ng potensyal cager, kumbaga sa pumukol ng rainbow shot ay ilista mo na pronto sa direksyon ng 'fame and fortune'.
Resibo ng kanyang kalinga sa mga itinuring niya nang kapamilyang manlalaro ay tagumpay sa career na naging buhay na alamat sa basketbol sa "Pinas tulad nina Mark Caguioa Ato Agustin atbp. na matatag na ang kabuhayan matapos ang basketbol.
Hindi kasi naniniwala si tukayong Danny sa kontrata dahil di ang pera lang ang nag- uugnay o sukatan sa kanilang player- manager relation.
Higit sa isandaang pro- cagers na ang nahaplosan ng 'Midas Touch' ni Boss Danny E at di mabilang ang mga kabataang estudyanteng manlalaro ang nais na mahawakan nito tungo sa magandang kkinabukasan sa larangan ng basketball.
Sa dami ng mga sumikat at nagtagumpay na nakalista sa talaan ni super Danny E. sa larangan ng basketball,sabi nila..SANA ALL!
Sa mga aktibo pang pro-cagers na tumatamasa ng fame and fortune sa kanyang timon ay nariyan ang mga sikat nang sina Jayson Castro, Adrian Nocum, Scottie Thompson, Alec Stockton, Troy Rosario, Shonny Winston, Justin Arana, Raymond Almazan, Beau Belga, Jerrick Ahnamisi, Jericho Cruz, Juami Tiongson, Maverick Ahnamisi, Rey Nambatac, Joshua Munzon, Aris Dionisio at marami pang iba na masagana at hayahay na ang buhay.PUGAY!
Lowcut: Naglipana ngayon ang mga masasamang elemento sa cyber world tulad na pambubudol ng pera ng mga online lending at iba pang uri ng scam sa socmed.Kayong mga mambabatas,gumawa ng madaliang batas para sa kruks ng lipunan para sa kapakanan ng bayan di iyang pinagaaksayahang panahon na impeachment ang inaatupag lang. LIPULIN ang mga CYBER crminals pati na mga kawatan-tan-tan at mandarambong- bong- bong-bong!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
